Calista MABILIS KAMING pumunta ni Rage sa ospital kung saan dinala si Mama. Nalaman naman namin kung saan siya naroroon. Agad kaming pumasok sa loob ng silid niya. “Mama!” Tumakbo ako papalapit kay Mama. Nagulat si Mama nang makita niya ako. Hindi niya ata inaasahan na pupuntahan ko siya. “What happened? Anong nangyari sa ‘yo, Ma?” “She’s fine now, Cali. Sumakit lang ang tiyan ni Camille. Ang sabi ng doktor, she had an upset stomach. Siguro ay may nakain na hindi nagustuhan ng kanyang tiyan.” Tiningnan ko sandali si Tito Romeo pero hindi ko siya pinakinggan. Tiningnan ko si Mama at ngumiti siya sa akin. “Ganoon na nga ang nangyari. May pinuntahan kaming dalawa ni Romeo kanina at siguro ay may nakain ako na hindi nakabuti sa akin. I’m fine now, Cali.” Bumuntong-hininga ako. Natatako

