Calista DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata. Masakit ang ulo ko at para bang nahihilo ako nang idilat ko ang mata ko. Tulala ako sa kisame habang inaalala kung anong maaaring nangyari. Ano nga bang ginawa ko kanina at sumasakit ang aking ulo ngayon? Hindi ko maalalang natulog ako. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata at nang maalala ko kung ano ang nangyari ay muli akong nagmulat. Tinangka kong bumangon dahil ang alam ko ay may nakapasok sa loob ng bahay ko. “Calista…” May humawak sa aking braso at mabilis akong nagwala. Ang nasa isip ko ay iyong masasamang tao ang humawak sa akin. “It’s me, baby. It’s me.” Tumingin ako sa lalaking nakahawak sa akin at para bang nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Rage. “R-Rage?” Hindi pa ako makapaniwala na si Rage nga ang n

