Calista MABILIS NA dumaan ang taon. Hindi ko na nga namalayan. Ngayon ay graduate na ako ng college. Gusto ko man na magkaroon ako ng Latin Honor, hindi na maaari dahil naging irregular student ako. Ganoon pa man, matataas ang naging grado ko. Dahil sa iniwang pera ni Papa sa akin, nagawa kong mapagtapos ang aking sarili sa pag-aaral, and now I am ready to enter law school “Congrats!” Niyakap ako ni Ced. Mas nauna siyang naka-graduate sa akin dahil nga nahuli ako ng isang taon sa pag-aaral dahil sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Still, masaya ako na nakapagtapos ako at nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga nangyari sa akin dahil mas matatag na ako ngayon. “Thank you, Ced.” Hinanap ko ang horsemen. Madalas ay kasama ni Ced ang mga ito kapag nakikipagkita sa akin. Nakikibalita ako tung

