Calista GAMIT ANG kakaunting pera na natira sa akin, lumayo ako kung nasaan sina Mama. Wala akong eksaktong lugar kung saan pupunta. Balak kong tawagan ang kaibigan kong si Ced, but I can’t rely on her for the rest of my life. Kailangan kong matuto na mabuhay mag-isa. The reason why I didn’t do this the first time is because I have doubts. Nabuhay ako sa maayos na pamilya. Nasanay ako na inaalagaan at parating naandiyan ang mga magulang, kaya natatakot ako na baka hindi ko magawang mabuhay na mag-isa. But right now, I have to do this. Noong una, akala ko hindi ako mabubuhay na mag-isa. Sobrang hirap lalo na at wala akong mapuntahan. Natatakot din ako na kapag napansin ng ibang tao na hindi ko alam kung saan ako pupunta ay pagdiskitahan nila ako. Ni hindi ko alam kung nasaan ako. Pero

