Calista “NGAYON ang alis ni Rage, Cali.” Niyakap ko ang unan ko. Dalawang hindi magandang balita ang natanggap ko ngayong araw. May judgement na ang court na pinapawalang-bisa ang kasal namin ni Rage at ang isa naman ay ang pag-alis niya. Panay ang pagsabi ko sa sarili ko na mas okay ang ganito. Hindi namin maaaring sirain ang mga buhay namin dahil lang nagmamahalan kaming dalawa. Kasi kung tutuusin, tinangka naman naming ipaglaban, but right now we cannot succeed. “Calista…” Nilapitan ako ng kaibigan ko. Ang naging desisyon ko ay mahirap din para sa akin. Kung may ibang way lang, hindi ko pipiliin na hiwalayan si Rage. Pero anong magagawa ko? Nang malaman ko ang kalagayan niya, hindi ko na makayanan. Ayokong nahihirapan at nasasaktan si Rage. Bumangon ako at hinarap si Ced. Hinayaa

