Calista “ANONG GINAGAWA ninyo rito?” Tumingin ako sa mga kasama ni Tito. Nagtataka pa rin ako kung bakit may pulis. Tumingin din ako kay Mama bago kay Tito Romeo na siyang sumagot sa akin. “Can’t I visit my son now? Your mother is worried about you. Hindi ninyo man lang ba naisip na maaaring nag-aalala kami sa inyong dalawa—right, wala kayong mga pakealam. Umalis nga kayo nang hindi nagpapaalam, hindi ba?” Sobrang sarkastiko ni Tito. Napalagok ako pero hindi ako nag-iwas ng tingin sa kanya. Parating na si Rage. Nasabihan ko na siya na naririto sina Tito at paniguradong hindi magdadalawang-isip si Rage na umuwi. Umupo si Tito at Mama sa sofa. Tiningnan ni Tito ang bahay na kinaroroonan namin at nagtaas ng kilay. “I didn’t know Dad had this property. Kung alam ko lang, matagal ko na i

