Calista NARINIG KO na kung anong gusto ni Tito Romeo. Kapalit ng kalayaan ni Rage ay ang tuluyan kong paglayo rito. Gusto nila na sabihin ko kay Rage na ayoko na at hihiwalayan ko siya. But I can’t. Alam ko na pipiliin pa ni Rage na mabulok sa kulungan kaysa ang hiwalayan ko siya at layuan. Nakita ko noon kung anong kaya niyang gawin para sa aming dalawa. Alam ko na ang paglayo ay hindi makakatulong. Sinabi ko kay Tito na bigyan ako ng sapat na oras pero hindi ko iyon kino-consider man lang. Kailangan ko ng oras para makausap si Rage at sabihin sa kanya kung anong binabalak ni Tito. They are really trying everything they can para paglayuin kami ni Rage. I wonder why? Malakas ang aking pakiramdam na may mas malalim na dahilan kaya nila kami gustong paghiwalayin, but they seem like they

