Chapter 5

1025 Words
"Kaloka, mare, para tayong mga anak ng bilyonaryo sa get up natin ngayon, tignan mo naman iyan, ang gaganda at ang mamahalin natin tignan," tuwang-tuwa na sabi ni Raine. Tapos na silang ayusan at bihisan at hinhintay na lamang nila ang kanilang sundo, nasa lobby silang dalawa. "Sinabi mo pa," aniya at malapas nakangiti. Feel na feel niyang maganda siya ngayon gabi lalo pa't she wearing a beautiful white long gown, with her white feather mask. The long probably cost thousands, since the details were perfectly designs. Backless ang likuran at naka-heart shape sa harap kaya't labas na labas ang kanyang cleveage at flawless na likod kung aalisin niya ang kanyang fury shawl. Habang naka-black long dress naman si Raine na bumagay sa kutis at kurba ng katawan ng babae dahil mermaid design iyon na off shoulder. "Alam mo pakiramdam ko nasa isang movie tayo, iyong mga old movie ng mga royalty," natatawang sabi ni Raine sa kanya. "Oo nga 'e, bongga talaga kapag mayaman ano? Kayang-kaya nila isabuhay ang mga nakikita mo lang sa pelikula," aniya at napailing-iling pa. "Sinabi mo pa. Pero kapag nagpakasal kayo ni Fred, edi Donya ka na rin. Huwag mo kalimutan ha? At sana huwag ka niya patitigilan sa pagtratrabaho dahil mamiss talaga kita, wala na akong kasama mag-marites," natatawang sabi ni Raine. "Malamang hindi iyan. Fred was understanding and support, he never push me to change myself into someone else, and most of all he always let me grow, and never forbid me, kaya't masaya talaga akong siya ang magiging kabiyak ko," aniya at malapad napangiti. "Masaya rin ako para sa iyo. At sana kapag nasa honeymoon na kayo ay talagang bibiyakin na ni Fred ang perlas ng sinilangan mo. Kasi, girl, iba ang awra kapag nadiligan ka na," natatawang sabi ni Raine sa kanya. Para namang nadiligan na ito, 'e sa pagkakakaalam niya wala rin itong naging boyfriend since college. "Makasalita ka naman diyan parang na experience mo na 'a," natatawang komento niya. "Basta maniwala ka sa akin, kapag masagana ang kipay sa dilig, masaya ang buhay," natatawang sabi ni Raine. "Baliw ka talaga," natawa na rin siya. "Aherm, it's seems you two are having fun," komento ng pamilyar na boses mula sa likuran nila kaya't kaagad naman silang napalingon parehas ni Raine nang marinig nila ang pamilyar na boses na iyon. "Fred, you are here," bulalas niya at kaagad na lumapit sa lalaki. "Of course, how can l forgive my beautiful and sexy date," nakangiting sabi ng lalaki at hinawakan ang kanyang kamay at pina-ikot-ikot siya. "Thank you, l'm glad you like it," aniya na malapad ang ngiti. "Of course. You look stunning, babe," nakangising sabi ni Fred at nilagay ang braso sa kanyang maliit na bewang. Napasinghap naman siya. "Nakakataba naman ng puso iyang mga lumalabas sa bibig mo," aniya at bahagyang natawa. "I'm just telling the truth," tugon nito at nilagay na ang kanyang kamay sa braso nito. "Shall we go?" dugtong nito at lumingon may Raine at Dan nasa likuran, hindi nagpapansinan. Siguro ay nahihiya sa isa't-isa kaya't hindi na mga nagpapansinan. Napangisi naman siya kasi ngayon niya lang nasaksihan na hindi nagsasalita si Raine. May hiya pa pala ito sa katawan. Mayamaya pa ay nakarating na sila sa venue, sa loob ng isang elegante at mamahaling ballroom. "Omg, ang gaganda ng mga damit nila," pabulong na sabi niya habang nililibot ang tingin sa paligid. Tapos ay tumingala siya at hindi niya maiwasang mamangha sa mga chandelier nakikita niya sa taas pero, mas nakuha ng kanyang atensyon ang isang lalaking nasa second floor nakatingin sa gawi nila may hawak itong wine glass. Hindi niya alam pero nang magtama ang paningin nila ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya. He has a beautiful pair of eyes, that has the power to enchant every women in this planet. "Is everything okay, babe?" Napakurapkurap siya nang marinig niya ang boses na iyon ni Fred. At mabilis siyang nagbaba ng tingin. "Oo naman, namangha lang ako sa mga disenyo at mga tao," aniya at napakagat ng kanyang ibabang labi. "Is that so, no stress you will have enough time to admire them even more later, for now let find out table and get some food," nakangiting sabi ni Fred sa kanya. Tumango naman siya. "Sure," aniya at hinayaan ang lalaki na dalhin siya sa kung saan nito nais. Mabilis lumipas ang oras at nakita na lamang ni Mariah ang sariling nakangiti habang nakatayo sa gilid at nakikinig ng romantikong musika, habang pinapanood ang mga sumasayaw. Kasama niya si Raine, habang nag-excuse naman si Fred, pupuntahan daw nito ang ama. Speaking his father, she never met him since Fred doesn't introduce her to him. And its seem tonight he also have no plan of introducing her or maybe he just need time to make it. "Oh, bakit para kang naluging insik diyan?" natatawang sabi ni Raine at minasdan siya. "Huwag ko sabihin nag-away kayo ni Fred?" tanong ng babae. "Hindi 'a, bakit naman kami mag-aaway," aniya at napailing-iling. "Dahil iniwan ka niya rito at ito lang pumunta sa ama, huwag ka mag-alala baka kailangan lang niya ito mo na kausap bago ka ipresenta," pag-aalo sa kanya ni Raine. "Baka nga, lalo pa't ngayon lang muli ng kita ang mga ito dahil palaging nasa business trip ang ama nito," aniya at napakagat ng kanyang ibabang labi. "Iyon naman pala. Huwag ka malungkot diyan, mabuti pa'y tikman na lang natin ang mga pagkain at wine nila," nakangising sabi ni Raine at hinahawakan ang kamay niya para dalhin sa kung saan ang mga pagkain at wine nakalagay. Umalis rin si Dan, sumama kaya Fred kaya't tanging siya at si Raine na lang ang natira. "Tikman mo ito, ang sarap.. Parang juice lang siya," bulalas ni Raine matapos tikman ang wine napili nito tapos binigyan siya. Kaagad naman niyang tinanggap at tikman nga ang wine. Napapikit siya nang malasahan niya ang matamis at medyo mapait na lasa nito. "Oo nga masarap pero baka kapag nawili tayo 'e malasing tayo nito," natatawang sabi niya. "Sinabi mo pa, isang glass lang tapos try naman natin ang iba," giit ni Raine sinang-ayunan naman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD