"Bakit ang tagal naman ata nina Fred at Dan, bumalik?" bulalas ni Raine matapos nilang matikman ang halos lahat ng pagkain at inumin. Tikim lang hindi malaking portion.
"Oo nga 'e, parang kailang palit na ata ang musika pero hindi pa din bumabalik, sunduin ko kaya," aniya at napakagat ng kanyang ibabang labi.
"Mabuti pa nga, samahan pa ba kita o hindi na?" tanong ni Raine sa kanya.
"Hindi na, maghanap ka na lang ng lalaki, para naman umuwi kang wagi," pilyang aniya at kinandatan pa ang babae.
"Baliw, pero pwede," natatawang tugon naman ni Raine.
"Sige na, ipush mo na iyan bakla at ako'y aalis na," aniya at kumaway sa babae.
Umakyat siya sa second floor dahil doon niya nakita si Fred na pumunta. Nagulat pa siya nang mapansin may mga kwarto pala sa taas nakahilera.
"Paano ko naman kaya mahahanap si Fred sa lagay na ito?" pabulong na sabi niya habang naglalakad siya at nagpalinga-linga hanggang sa nakarating siya sa dulo at may narinig siyang pamilyar na boses kaya't sinundan niya hanggang sa nakapasok siya sa isang silid kung saan kailangan pa niya lumiko.
"Ah! s**t, Dan! You are doing it good!" ungol ng pamilyar na boses kaya't biglang sinakop ng kaba ang kanyang dibdib pero nagpatuloy pa rin siya sa kanyang paglalakad papasok.
"Baka naman pinaglalaruan lang ako ng aking pandinig," pag-aalo niya sa sarili ngunit ang kanyang pagtatangi ay natapos nang makita niya si Fred nakatayo sa may glass door habang binabayo ito ni Dan.
"Oh my god!" bulalas niya at nanlalaki ang kanyang mga mata sa nasaksihan.
"Mariah?! s**t!" bulalas ni Fred at mabilis na tinulak si Dan papalayo rito at tinaas ang pants nito at lumapit sa kanya pero kaagad siyang umatras.
"S-So you are gay?" nauutal na tanong niya at tinuro ang lalaki. Nanginginig ang kanyang mga labi sa samu't-saring emosyon na kanyang naramdaman.
This is unexpected. She thought he was the man she been dreaming to have The perfect man who will be also become her perfect husband and father to her child was a gay.
Wala siyang problema sa bakla pero, Fred fooled her. Hindi nito sinabi sa kanya ang totoong katauhan nito and worse, he cheated on her with his secretary!
"I am but, l'm serious about marrying you, Mariah-"
"Sa palagay mo ba'y papakasal papakasal pa ako sa iyo matapos ng mga nalaman at nasaksihan ko?!" pahayag niya at umatras. Ayaw niya hawakan siya ng lalaki. Nandidiri siya.
"Please, what happened between me and Dan was just a pure s*x, okay? You are the one that l want to marry-"
"But l'm not the one who love, alam ko. Hindi ako, Fred. Dahil kung mahal mo ako hindi ko ako lolokohin, hindi ko paglalaruan ang damdamin ko. Sa palagay ko'y inalok mo lang ako ng kasal dahil gusto ko itago ang totoo mong pagkatao at masabi ng ibang normal ka," aniya at tumingala para huwag pumatak ang luhang ng babadya nang bumagsak sa kanyang mga mata.
"I didn't mean to keep it from and hurt you, but l have no choice-"
"Stop with your excuses! Ginusto mo na lokohin ako. God, we been together for almost three years, Fred. Ang dami mong pagkakataon para sabihin sa akin ang totoo pero hindi mo ginawa. Pero sa totoo lang hindi naman ang pagiging bakla mo kinagalt ko 'e, kundi dahil sa paglilihim mo at dahil sa panloloko mo!" bulyaw niya sa lalaki at tinulak ito palayo sa kanya dahil lumapit pa ito.
"I'm sorry-"
"I don't need your apology, the wedding is off," aniya kahit na nanginginig ang kanyang mga labi at katawan sa galit at inalis ang singsing sa kanyang daliri at itapon ito sa lalaki.
"Mariah, please don't do this," umiiyak na sabi ni Fred at yumakap sa kanya mula sa likuran pero inalis niya ang kamay ng lalaki gamit ang kanyang buong lakas.
"I need you, so please don't leave me-" pagmamakaawa ni Fred sa kanya pero hindi niya ito hinayaang bilugin na naman ang kanyang ulo.
"You really believe l will still going to accept you and marry after what you done? I'm not a saint, Fred. And I'm not a fool, so, let me go," aniya.
"Kung ayaw mo mag-eskadalo ako rito at malaman ng buong mundo ang tinatago mo," pagbabanta niya para huwag siya sundan ng lalaki dahil parang sasabog na siya ano mang-oras ayaw niyang ipakita rito ang pag-iyak niya. He doesn't deserve tears from her.
"Miss Mariah-"
Nabitin sa ere ang iba pang sasabihin ni Dan sa kanya nang sampalin niya ito.
"Isa ka pa!" aniya bago lumabas sa silid na iyon at dali-dali siyang naglakad papalayo. Habang naglalakad siya ay nag-sisiuhan na ang kanyang mga luha. Kaya't nanlalabo na ang kanyang paningin, at hindi niya napansin na may kasalubong pala siya. Tumama ang kanyang ulo sa matigas na dibdib ng kanyang kasalubong kaya't napahiyaw siya nang mawalan siya ng balanse.
"Ahhh!" hiyaw niyang umaalingasaw sa hallway sabay napapikit siya sa takot na baka mabagok ang kanyang ulo.
"Got you," ani ng lalaking-lalaki ang boses. At naramdaman niya ang matigas at maskuladong braso nito sa kanyang bewang.
Kaagad siyang napamulat at napakagat siya ng kanyang ibabang labi nang makilala ang lalaki, ito ang ka-eye to eye niya kanina.
“Oh my God, he looks so much better up close and smells good,” bulalas ng kanyang malikot na isip.
Ngunit mabilis siyang napakurap-kurap, tila nagising sa sariling iniisip.
“Ano ka ba, Mariah! Parang hindi ka lang niloko at pinaasa ng kalahi niya!” tahimik niyang kastigo sa sarili bago agad na lumayo sa lalaki.
“Sorry, and thank you,” aniya habang akmang aalis na upang hanapin si Raine. Kailangan na nilang umalis sa lugar na iyon, baka sundan pa siya ni Fred.
"Wait, Ms beautiful," pigil ng lalaki sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Kaya't napatingin siya rito.
"Yes?" aniya at hindi maiwasang mapakagat sa kanyang ibabang labi. Hindi niya alam pero parang magnet ang lalaki na hinahatak siya palapit rito.
"Can l invite you to dance?" giit ng lalaki sa kanya.