[Pamela] HUMILATA siya ng upo sa sofa matapos maglinis. Napangiwi siya ng maalala na hindi na siya nakapagpalit ng damit bago maglinis. Basang-basa na tuloy ng pawis ang pink niya na bestida. Pati siya ay amoy pawis na. Hindi na siya tumayo ng marinig ang pagbukas ng pintuan nila. Alam niya na ang mga magulang niya ito, base sa ingay at boses. "Sige, wag kang mag-alala hinding-hindi namin gagawin iyan! Tumutupad ako usapan, ah! Ay salamat naman!" Boses iyon ng mama niya. "Anong sabi?" Tanong ng papa niya. Hindi man lang siya napansin ng mga ito na nasa sofa siya. Tumango ang mama niya sa papa niya na halata na sobrang saya. Kaya ngising-ngisi ngayon ang papa niya. Daig pa ang nanalo sa lotto dahil sa sobrang saya. "Ma, saan kayo galing ni papa?" "Ay kabayo—" Pinanlakihan siya ng mat

