bc

One Love, One Soul (Completed)

book_age0+
7.7K
FOLLOW
65.8K
READ
body exchange
friends to lovers
arrogant
CEO
boss
drama
tragedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Mula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara...

Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namayapang asawa. Hanggang sa makilala niya ang isang babaeng sa unang tingin ay inakala niya na si Kara...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Seven years ago HINDI NA maipinta ang gusto na mukha ni Kara habang naglalakad. Nanghahaba ang nguso niya sa pagsimangot. Masama na nga ang mood niya, lalo pang sumama dahil sa na-flat na gulong ng bike. Kailangan tuloy niyang akayin ang bike habang naglalakad. Nakakainis dahil malayo-layo pa ang bahay nila.             “Ito na kasing bike ko ang gamitin mo para hindi ka na maglakad,” sabi ng malumanay na boses sa likuran niya. It was Santino de Angelo. Kara was twelve years old and Santino was just six months her senior. Magkababata sila’t malapit na magkaibigan. Oh, hindi lang sila best of friends. May something sa pagitan nila. Isang espesyal na damdamin para sa isa’t-isa.  Palibhasa magkaibigan ang mga magulang nila, bata pa lang ay magkasama na rin silang dalawa. Nakabuo sila ng mundo na para sa kanilang dalawa lang, walang ibang makapasok. Para silang Siamese twin na hindi mapaghiwalay. They were always looking for each other. Espesyal ang trato sa kanya ni Santi. Ibinibigay nito ang ano mang gustuhin niya. He was possessive of her. Nagseselos ito kapag may kaklase siyang kinakausap nang matagal. Ang totoo, sa napakabatang isip at edad, napag-usapan na agad nila na sila ang para sa isa’t-isa. Na pakakasalan nila ang isa’t-isa sa hinaharap. Para sa kanya, si Santi ang gusto niyang maging boyfriend, at maging asawa sa hinaharap. Ito ang pinakaguwapong lalaki para sa kanya. “Kara…” muling pagtawag sa kanya ni Santi. Pero hindi niya ito pinansin. Hindi naman flat ang gulong ng bike nito, pero dahil naglalakad siya ay naglakad na rin lang ito para makaagapay sa kanya. Naunang natutong sumakay ng bike si Santi, pagkatapos ay tinuruan siya. Ito rin ang nagturo sa kanya na mag-skateboard. ‘Pag daw pinayagan na ito ng daddy nito ay pagmo-motor naman ang pag-aaralan nito. And then he would teach her. Ang sunod daw ay pagda-drive ng kotse. Huwag na huwag daw siyang magpapaturo sa iba. Ah, Santi’s always with her. Lagi niya itong kasama sa lahat ng bagay. He was always there in every milestones of her life. Always there in all of her ups and downs. Kahit nga noong una siyang datnan ng buwanang dalaw at sumama ang pakiramdam niya ay nasa tabi pa rin niya si Santi. Kung may isa man siyang kinatatakutan, iyon ang sandaling magbago ang nararamdaman sa kanya ni Santi. Iyong sandaling ma-outgrow nito ang feelings para sa kanya at makuha ng ibang babae ang atensiyon nito. “Sorry na,” sabi uli ni Santi. “Kara, please talk to me…” “Bakit ka nagso-sorry?” sikmat niya. Her lips trembled. Gusto niyang umiyak. Well, nakita lang naman niya sa plaza sa bayan si Santi na hawak ang dalawang palad ni Phoebe. They were roller skating. Oh, alam niyang magro-roller skate si Santi. Niyaya siya pero hindi siya sumama dahil may project silang gagawin ni Kandice. Nang makatapos sa project, pumunta siya ng plaza, at iyon na nga, nakita na niya ang eksenang kumurot sa puso niya. “Hindi ako nagso-sorry dahil may ginawa akong mali o may kasalanan ako. I’m saying sorry because I know you’re hurting. Alam mong ayaw kong nasasaktan ka,” anito. Kung kanina ay sumusunod lang sa kanya, ngayon ay umagapay na ito. “Kara… Inalalayan ko lang naman si Phoebe kasi natumba siya. Inalalayan ko lang na tumayo.” “Bakit ikaw pa ang kailangang umalalay? Andami ninyo doon ah?” sikmat niya. “Dahil ako ang pinakamalapit sa kanya. I’m just being a gentleman,” paliwanag nito sa malumanay na boses. Narinig niya itong humugot ng malalim na hininga. “Okay, next time hindi na lang ako tutulong. Sa ‘yo na lang ako gentleman.” Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Tinaasan niya ito ng kilay. “Do you like her?” “What?” bulalas ni Santi. He looked as if he was horrified by her question. “Of course not. Ikaw lang po ang gusto ko. I like you. I love you.” Nakagat ni Kara ang dila niya. Gusto niyang mapangiti pero pinigilan niya. Umingos siya. “Ah, basta, hindi kita iimikan ng one week.” “Kara! That’s unfair,” protesta ni Santi. “Sige huwag mo akong imikan ng one week. One week din akong magpapasaway kina mommy,” banta nito. “Hindi ako papasok sa school. I’ll do a lot of crazy things. Ipa-frank ko ang mga tauhan sa asyenda. Guguluhin ko trabaho nila, I won’t care.” Muntikan nang matawa si Kara. Kapag kasi nagpapasaway si Santi ay siya ang tinatawagan ni Tita Eden dahil siya lang daw ang nakakapagpatino sa anak nito. “Hindi ka na bata, ha. Don’t act like a brat anymore,” sabi niya. Pareho silang solong anak. Santi’s family was richer though. Kung sila ay banana plantation ang kabuhayan, sina Santi ay malawak ang hasyenda at pag-aari ang pinakamalaking ricemill sa bayan.. “Try me,” sagot ni Santi. Nabaligtad na dahil ito na ang nakasimangot. “You know I hate it when you’re not talking to me.” Dumaan ang isang pick up truck na ginagamit sa hasyenda nina Santi. Tumigil iyon sa tapat nila. “O, Santi, Kara, bakit naglalakad kayo?” tanong ng driver na si Mang Kulas. “Ah, naplatan ka pala ng gulong, Ineng. Halina kayo, sumabay na kayo sa akin.” In-stand ni Santi ang bike nito. “Ito na lang hong kay Kara ang isakay ninyo. Sa bahay na ninyo dalhin at ako ho ang mag-aayos niyan mamaya. Salamat,” anito habang kinukuha sa kanya ang bike. Hinayaan na niya. That bike was a gift from him. Isinakay nito iyon sa likod ng pick up. Maya-maya pa ay nakaalis na ang truck. Tumalikod sa kanya si Santi. Pagharap nito, hindi napigilan ni Kara na mapahagalpak ng tawa. Why, Santi contorted his face. Madalas nito iyong ginagawa kapag nakasimangot siya. At sa tuwina ay effective iyon, natatawa siya sa ginagawa nito sa mukha. Hindi tumigil si Santi at kung ano-anong distortion pa ang ginagawa nito sa mukha. “Stop it,” natatawang bulalas niya. Santi grinned. Inabot nito ang kamay niya. “Okay na tayo?” he asked gently. Tumango siya. “I over reacted, I’m sorry.” Santi was so handsome. Lalong tumitingkad ang kaguwapuhan nito dahil nagbibinata na ito. Iba na nga rin ang timbre ng boses nito. He smiled fondly. “Okay lang. Ganoon din naman ang magiging reaksiyon ko kung sakaling ikaw ang makita ko na hawak ng ibang lalaki ang mga palad. Baka nga, on the spot ay suntukin at awayin ko ang lalaki. You’re only mine, Kara,” anito bago marahang ipinaloob siya sa bisig nito. “And please, huwag mong alisin sa isip mo na ikaw lang ang mahal ko. You’re the only one that I can see.” Masyado pa silang mga bata pero alam nilang totoo ang pagmamahal na iyon. Malalim. Ang kalase ng pagmamahal na hindi kayang burahin ng panahon. Sasagot na sana siya nang biglang makarinig siya ng malakas na sagitsit ng gulong, kasunod ang tila malakas na impact ng pagkakabangga. May tunog ng nayuping yero at mga lagabog. Her eyes grew big. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba. “Ano ‘yon?” “Parang may naaksidente,” sabi ni Santino. “Titingnan ko.”             “S-sasama ako,” biglang sabi niya sabay hawak sa braso nito.             They were in an accident-prone area. Medyo letter-S kasi ang kalsada, tapos mababang bangin sa kanan habang sa kaliwa ay medyo mataas.               Kinuha nito ang palad niyang nakahawak sa braso nito bago hinawakan iyon. Pagkatapos ay tumakbo sila sa bandang unahan. And there, nakita nila ang bakas ng gulong sa kalsada at ang sirang railing. Kung ganoon ay may sasakyang nahulog sa ibaba. Kumakabog na sa takot ang dibdib ni Kara. Nang makalapit sila sa may sirang railing, nakita ni Kara ang isang kotse sa ibaba. Hindi ganoon kalalim ang bangin. “S-Santi…” nausal niya sa takot. Ang nguso ng kotse ay yupi, bumangga ito sa isang malaking puno. May usok na nagmumula doon. Nakabukas ang pinto sa passenger’s seat at nakita niya ang isang braso na nakalaylay.             “D-dito ka lang, Kara. Parahin mo ang dadaang sasakyan. Humingi ka ng tulong,” sabi ni Santi sa matatag na boses. Tumango siya kahit kinakabahan. Nagmadali itong bumaba sa bangin kahit magkandadulas-dulas.  Panay ang tingin ni Kara sa kaliwa’t-kanan niya, sa dulo ng kalsada. Nanalangin na sana ay may dumating na sasakyan. Pero sa malas ay walang lumilitaw na sasakyan sa magkabilang bahagi. Pagtingin niya sa ibaba, nakita niyang may hinihilang katawan si Santi palabas ng kotse. Nanginginig ang katawan ni Kara. But for some reason, she found herself going down there. Muntikan na rin siyang gumulong pababa dahil sa nanginginig na mga tuhod. “Walang dumadaang sasakyan?” tanong ni Santi. “W-wala.” Natutop niya ang bibig nang makitang parang kinakapos na ng hininga ang babae. Bata pa rin ito, kung tama ang hula niya ay mas matanda lang sa kanila ni Santi ng apat o limang taon. “Kara, p’wede mo siyang bantayan muna? Ako ang hihingi ng tulong. Malapit lang dito ang bahay nina Noah. Baka rin may masalubong akong sasakyan habang humihingi ng tulong.” Parang superhero ang tingin niya kay Santi sa sandaling iyon. He was so brave and courageous.             “O-okay.” Tumango siya kahit natatakot. Kahit nanginginig ang mga tuhod. “That’s my girl,” ani Santi. Mabilis nitong dinampian ng halik ang ulo niya bago tumakbo paalis. Lumuhod naman si Kara at lakas-loob na hinawakan ang palad ng babae. Nanlalamig na iyon. Kinilabutan tuloy lalo siya. The girl’s eyes were almost closed. Parang hirap na hirap na itong huminga. “H-huwag k-kang mag-alala, ha. D-darating ang tulong. M-makakaligtas ka,” sabi niya. Dahan-dahan at maingat na iniangat niya ang ulo nito at ipinatong sa mga hita niya. Nanlalabo ang mga ni Kara. Hindi niya alam na naiiyak na pala siya sa takot. “S-sandali na lang ha? H-huwag ka munang pipikit. T-tumatawag na ng tulong si Santi,” patuloy niyang inaalo at pinalalakas ang loob nito. Kailangan nitong maramdaman na hindi ito nag-iisa sa sandaling iyon, na kasama siya nito. “O-oh, God, tulong po. T-tulungan n’yo kami,” dasal niya habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng babae. Napatingala siya. “M-Mama, help. T-tulungan n’yo po kami,” sabi niya. Namangha pa siya nang makitang may nga shooting stars na gumuguhit sa makulimlim na kalangitan. Pitong taon lang siya nang maulila sa ina. Ang sabi nito ay hindi naman daw ito tuluyang aalis. Magiging bituin daw ito na titingin at susubaybay sa kanya. So whenever she misses her, and whenever she needs a mother, tumitingin lang siya sa langit at hinahanap ang pinakamakinang na bituin. Humugot ng malalim na hininga ang babae kaya naman binalot ng lamig ang buong katawan ni Kara. Pagkatapos ay nanlupaypay na ito. “H-hoy… H-hoy…” umiiyak na pagtawag niya. Ang kamay nito na hawak niya ay wala ng p’wersa. Is she dead already? Kara was so frightened. Hindi na kasi humihinga ang babaeng hawak niya. Pero isinantabi niya ang takot, patuloy niya itong hinahawakan, inaalo, at tinatawag. Patuloy niyang binibigyan ng init ang malamig nitong palad. “H-hoy, a-ate… H-huwag ka munang m-matulog. H-hoy…”             And then suddenly Kara heard a gasp. Bigla siyang nakarinig ng singhap kasabay ng bahagyang pag-arko ng katawan ng babae. Ganoon na lang ang tuwa niya. Hindi pa ito patay. Dali-dali niyang pinunasan ang luha niya. “T-thank God. S-salamat po. Salamat po. “A-ate, k-kapit lang, ha? M-makakaligtas ka. P-promise makakaligtas ka,” sabi niya. Hindi rin niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob at tapang sa sandaling iyon.             Naramdaman ni Kara ang tila pagkibot ng palad na hawak niya. Hindi na iyon malamig, thank God. Sa pagkamangha niya ay unti-unting nagmulat ng mga mata ang bata.  Her eyes were just half-opened, yet it was staring directly at her eyes. Hindi siya sigurado sa nakikita ko pero parang walang bakas ng takot o shock ang mga matang iyon. And that eyes…they’re beautiful. Napakaganda ng kulay ng mga mata nito. Tinitingnan siya nito na para bang kinikilala siya. As if she was… fascinated at her. Ah, baka dahil sa shock kaya ganoon ang inaakto nito. Kara suddenly feels strange. “B-brave ka rin ‘di ba? Y-you can do it. You can do it,” umiiyak na sabi niya, sabay pisil sa palad nito na nananatiling hawak niya. Nginitian niya ito, pinalalakas ang loob. Iniiwas ni Kara ang ulo niya para makita ng babae ang kalangitan. “T-tingnan mo ang langit, oh. Ang ganda, hindi ba? M-maraming shooting stars.” Saglit na tumingin ang babae sa kalangitan. Kapagkuwan ay ibinalik din sa kanya ang paningin. Hindi maipaliwanag ni Kara kung bakit ganoon ang ekspresyon ng mga mata nito. Walang takot doon. Hindi rin naman ito masasabing na-shock. “D-do you… do y-you believe in m-miracle?” tanong nito. Mahina lang ang boses ng babae pero malinaw iyong nakarating sa pandinig ni Kara. Tumango si Kara. “Mama’s already in heaven. P-pero, k-kapag tumitingin ako sa langit at nakikita ko ang pinakamaliwanag na bituin ay n-nakikita ko si Mama. M-miracle iyon para sa akin…” Hanggang sa wakas ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan. “M-madadala ka na sa hospital. Ligtas ka na. L-ligtas ka na.” Naramdaman ni Kara nang pisilin nito ang palad niya. “H-hanggang sa muli nating pagkikita… Kara.” Nagulat si Kara. Papaanong alam nito ang pangalan niya? Ah, baka narinig kay Santi kanina. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.5K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.3K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.9K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.8K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.8K
bc

Payment of Debt

read
87.9K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook