Chapter 2

3122 Words
CHAPTER 2 Present day PANDALAS SI Kara sa pagbabasa ng libro. Nasa isang hallway siya, malapit sa classroom ng first subject niya sa araw na iyon. Nakaupo siya sa sahig. Her bag was on the floor. Ang libro ay hawak-hawak. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. May fifteen minutes pa siya bago magsimula ang klase. Kaya pa, makakapag-review pa siya.             Mula sa pagbabasa ng libro at tahimik na pagme-memorize ng mga key words, nakita niya sa gilid ng mga mata ang isang papalapit na bulto ng katawan ng isang lalaki. Hindi na kailangang mag-angat ng paningin si Kara para tingnan kung sino ang papalapit. She knew it was no other than Santino de Angelo. Sinabi ng puso niya. “Hindi ka nag-aral kagabi, ano?” anito. May bahid ng panenermon ang boses.  Napangiwi si Kara dahil guilty siya. At kahit pa mag-deny, hindi siya paniniwalaan ng binata. Nag-angat ng ulo si Kara. She smiled sheepishly. May hawak na mansanas si Santi na ibinabato-bato nito sa ere at sinasambot. Naupo ang binata sa may harapan ni Kara, sumandal sa dingding. Nakaunat ang isang binti nito, ang isa ay nakatiklop patayo. Kinagat nito ang dalang mansanas habang iiling-iling. “Hulaan ko, napuyat ka na naman sa panonood ng Korean Drama, ano?” “Don’t ask the obvious,” masungit na sagot niya. Kailangan niyang magsungit dahil siguradong lalo siyang sesermunan ng binata kapag nanahimik lang siya. Though, he was right. Isa siya sa mga kinain ng sistema ng Korean Drama. Na-addict siya sa panonood ng iba’t-ibang series. “KDrama Is Life. Song Joong Ki Is Love,” anito sa nang-aasar na boses. f******k status lang naman niya kagabi ang binanggit nito. “Song Joong Ki? I kind of researched him. I saw his pics on the net and… really Kara?” Tinaasan siya nito ng isang kilay. “Siyempre mas love naman kita,” agad na sagot niya bago nginitian nang matamis ang binata. Tumaas ang sulok ng labi ni Santi. Kilala niya ang binata. Alam niya ang kahulugan ng bawat mumunting kilos nito. At that moment, alam niyang nagpipigil ito ng ngiti. Ngiti pa lang niya iyon, lalo na kung maglalambing pa siya. Those tricks never fail her. Kaya minsan, kahit na anong pagkaasar sa kanya ni Santi ay napapangiti niya ito. As expected, lumaking hearththrob talaga ang damuho. He was tall in his six feet and four inches’ height. Expressive ang mata nito. Matangos ang ilong, at kissable ang lips. He had a prominent jaw. Madalas itong mag-experiment ng style ng buhok na lagi namang bumabagay dito. Aminado si Kara na guwapo at malakas ang appeal ni Santi. Isa ito sa mga kinakikiligan ng mga kolehiyala sa university. Nang magsabog yata ng kaguwapuhan at appeal ang diyos ay gising na gising si Santi. Hindi lang gising, nakabuka pa yata ang mga bisig kaya marami itong nasalo. Aware siya na marami ang nababaliw sa kaguwapuhan ng lalaking ito. But sorry girls, Santi was hers. He was hers eversince she could remember. Patuloy na umusbong ang mga damdamin nila para sa isa’t-isa. Sa pagdaan ng mga taon ay patuloy na lumago ang pagmamahal na naroon sa puso nila. Hindi nawala ang spark, ang chemistry, at ang attraction. Hindi sila nagsawa sa isa’t-isa. Lalong tumibay ang kagustuhan na ang bawat isa ang makasama sa hinaharap. Marami na silang pangarap na binuo. Maraming pangako ang binitiwan. Tinabihan siya ng binata. Kumagat ito sa mansanas, pagkatapos ay iniumang sa bibig niya ang mansanas. Umiling siya. Maya-maya, iniharang nito ang mukha sa aklat. Ngising-ngisi ito, dini-distract siya. “Santi,” saway niya. “Huwag mo akong guluhin.” Hindi pa rin ito tumigil; parang nagpapapansin na binibigyan nito ng matutunog na halik ang pisngi niya. Iniharang niya ang isang palad sa mukha nito at itinulak ito palayo. “Huwag ka sabing magulo, nagla-last minute review ako,” aniyang sa aklat nakatutok. He snorted. “Last minute review. Habit mo na ‘yan mula nang ma-addict ka sa mga Korean Drama na yan.” He exclaimed. Tumayo ito. Akala niya ay aalis na pero nagulat siya ng inagaw nito ang libro. “Humingi ka ng grades sa mga K-Drama mo.” “Aba’t—” dali-daling tumayo si Kara. Hinabol niya ang papalayong si Santi. Hinawakan ang braso nito. “Give me my book and leave me alone,” napipikong sabi niya. Nangangarag na nga siya, nangungulit pa ang damuho. Kinagat ni Santi ang mansanas, bago itinaas ang kamay na may hawak ng aklat. He was making fun of her. Panay naman ang paghawak at pagtalon niya pero bukod sa matangkad ang binata ay sadyang iniiwas pa nito ang kamay. “Santi, ano ba!” Kumikislap sa kapilyuhan ang mga mata nito habang umiiling. Patuloy niyang inaagaw ang aklat. Patuloy namang iniiwas iyon ni Santi. “Hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo, ha!” singhal niya. Dahil may mansanas ang bibig, hindi ito makapagsalita. Pero kailangan pa ba nitong magsalita para malaman niyang inaasar siya nito? Nope, she can read it in his naughty eyes. Hanggang sa pumailanlang sa paligid ang buzzer na hudyat ng pagsisimula ng unang klase. Nagdadabog na bumitiw si Kara. “Humanda ka kapag bumagsak ako sa exam! Malilintikan ka sa akin,” naiinis niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ni Santi. Bumakas ang pagtutol sa mukha nito. “Excuse me po, Miss, kung babagsak ka man, iyon ay dahil hindi ka nag-aral kagabi.” He wrinkled his nose at her. “Don’t put the blame on me.” “Basta,” aniya bago umirap. “’Pag ako bumagsak. Hindi kita iimikan ng isang linggo!”   HINDI PINANSIN ni Kara si Santi nang makita niya itong nag-aabang sa entrance ng isang school building. Tatlong units lang ang magkaklase sila pero may mga pagkakataon na iisa ang school building nila kaya madalas silang nagkikita, lalo pa at halos pareho ang schedule ng pasok nila. Magkaiba man ng course, laging sinisiguro ni Santi na halos pareho ang schedule nila.             Nakasandal si Santi sa pader. Nginitian siya pero tiningnan lang niya ito at nilampasan. “Seriously? Galit ka talaga sa akin?” anang binata bago inakbayan siya. Hindi umiimik na inalis niya ang braso nito sa balikat niya.             “Love…” Sa gilid ng mga mata ng dalaga, nakita niyang nagkamot ito ng ulo.             Umuulan pala. Inilabas ni Kara ang payong mula sa bag. “Wala akong payong. Kawawa naman ako…” parinig ni Santi, pati boses nito nagpapaawa. Dedma pa rin si Kara. Binuksan niya ang payong bago naglakad na paalis. May kotseng ginagamit si Santi pagpasok. Siya ay wala dahil mahina ang loob niyang mag-drive. Ewan niya pero ninenerbiyos siya sa likod ng manibela. Ikinatuwa naman iyon ni Santi. Pabor daw iyon dito para lagi silang magkasama sa kotse nito. Nang mag-college ay iisang condo building ang tinirhan nila. Kapag pareho ang schedule ay magkasabay sila sa pagpasok at pag-uwi. Minsan nagko-commute siya. Pero mas madalas na hinihintay o sinusundo siya ni Santi kesa mag-commute siya. “Ayy!” bulalas niya nang walang ano-ano ay sumukob sa kanya si Santi. Iniakbay nito sa kanya ang isang braso bago hinapit siya, ang isang kamay ay inihawak sa payong. Nakangisi ang loko. Nang taasan niya ito ng kilay ay nanghaba ang nguso ni Santi. Nagpapaawa ito. And, damn, he looks so cute. Hindi tuloy niya masinghalan. “Bati na tayo,” anito. “Wala akong payong. Mababasa ako ng ulan. ‘Pag nabasa ako, magkakasakit ako. ‘Pag nagkasakit ako, ikaw din ang peperwisyuhin ko.” “O sige, ikaw na ang gumamit nitong payong. Ako na lang ang magpapaulan,” nagdadabog na sagot niya. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Kapag may sakit si Santi at nasa Manila sila ay siya ang taga-alaga nito. Well, ganoon din naman kapag siya ang may sakit. Santi was always there for her. They’re always there for each other. “I won’t allow that,” anito. Mas lalo siyang hinapit. Inikutan niya ito ng mga mata. Santi kissed her cheeks. Again, and again. Hanggang sa mapangiti na siya. Hindi naman talaga siya galit sa binata. Bumagsak siya sa exam. But it was her fault.    “I’M GOING to confiscate your laptop kapag may exam ka kinabukasan,” anang binata nang makasakay sila sa sasakyan. Agad nitong kinuha ang panyo at pinunasan ang braso niyang nabasa ng ulan. “Hindi ka na nakakapag-review, napupuyat ka pang masyado. It’s bad for your health.”             “No need,” sabi niya. “I’ve already learned my lesson.” Inabot niya ang bag nitong inilagay sa back seat. She loves chocolates, at hindi nawawalan niyon sa bag ng nobyo. The chocolates were really meant for her. Para daw kahit anong oras umatake ang sweet tooth niya ay may maibibigay ito sa kanya.             “Good,” he said. Inabot nito ang ulo niya, bago umabante din papalapit sa kanya. And then he planted a kiss on her head. “Sabado bukas at pareho tayong walang pasok, gusto mong samahan kitang manood ng KDrama mamaya?”             Kinilig siya. Looks-wise at kung hindi mo kilala si Santi ay mukha itong mayabang at arogante. May pagka-suplado ang aura ng binata. Iyong tipong kausapin mo man ay hindi ka nito papansinin. Pero hindi ito ganoon... well, at least to her. He was sweet and caring. Makulit ito at madalas magpapansin sa kanya. Nang magkolehiyo, akala ng mga kaklase at nakakasalamuha nila ay bago lang ang relasyon nila ni Santi. Masyado daw kasi silang sweet at halatang in love na in love sa isa’t-isa. Kaya gulat na gulat ang mga ito nang sabihin niyang mga bata pa lang ay magkasama na sila ni Santi. “Sige,” excited na bulalas niya. Iisa lang ang condo building na tinitirhan nila, pareho ng floor, magkaiba lang sila ng unit. Needless to say, halos araw-araw din itong nangugulo sa unit niya. Oh, well, madalas din naman siyang manggulo sa unit nito. “Pero hanggang 10PM lang. You need to sleep early dahil magda-drive ka bukas.” Uuwi sila ng probinsiya bukas. Kina-lunes-an na ang balik nila sa Maynila, deretso pasok na.             He groaned jokingly. “Ihahanda ko na ang sarili kong mabugbog mo.”             Napabunghalit nang tawa si Kara. Iba rin naman kasi siyang kiligin; nahahampas, nakukurot, o nahahawakan niya nang mariin ang katabi. Kapag horror naman ang pinanonood niya ay halos nakabaon na ang mukha niya sa dibdib ng nobyo.              In-start na ng binata ang makina ng sasakyan. Binuksan na niya ang bag nito. Nakita niya ang isang container ng chocolates. Napangiti din nang makakita ng payong. Kanina ay nagpapaawa pa sa kanya na magkakasakit daw kapag hindi niya pinasukob. Oh, well, he was really the best. Punong-puno ng pagmamahal ang puso ng binata para sa kanya. Ramdam niya iyon, sa kilos at sa gawa. She was his priority. Sometimes he was a bully, pero kapag napipikon na siya ay hindi na ito magkandatuto sa pag-amo sa kanya. Hindi ito titigil hangga’t hindi niya iniimikan, o nginingitian.             Ah, she couldn’t imagine her life without him. Mula ng magkaisip siya ay kasama na niya ito kaya hindi niya maimagine ang hinaharap na wala sa piling niya si Santi.             Binuksan niya ang chocolate container. Tumaas ang sulok ng labi niya nang makitang may maliliit na papel na nakarolyo. Nakadikit ang mga iyon sa bawat piraso ng chocolates. Siguradong mga sweet nothings na naman ang mga iyon. It warmth her heart. Nagagawa pa talaga ni Santi ang mga ganoong bagay. Pagsulyap niya kay Santi, sumulyap din ito. Then he winked at her. Hindi naman na kailangang mag-effort pa ng binata dahil kitang-kita naman niya sa pagkatao nito ang pagmamahal para sa kanya. It was radiating from his every pore, katulad ng pagmamahal niya para rito. Kaya nga kampante siya na marami mang umaligid na babae sa binata, marami mang magpapansin dito ay kanya pa rin ang puso nito. Their bond was too strong. Their attachment was too deep. Maybe their love was too good to be true. Too perfect. But it’s real. It’s true and everlasting. Bubuksan na niya ang isang piraso ng chocolate nang matigilan siya. Gumuhit ang sakit sa sintido niya at napangiwi siya.             Hindi iyon nakaligtas sa binata. Agad bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Hey, are you okay? What’s wrong?”             Isinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan. “Sumakit ang ulo ko,” sabi niya. Nakakagat niya ang labi niya dahil sa pagguhit ng kirot. Hindi iyon ang unang pagkakataon na sumakit ang ulo niya. She was having migraines lately.             Itinigil ng binata ang sasakyan sa gilid ng kalsada. “Do you need a doctor?”             Umiling siya. “Just a simple migraine. Lilipas din ito.” Ah, pero gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa sakit. Pagkatapos, sa isang iglap ay nawala din ang sakit.             “Sigurado ka?” tanong pa nito. Parang mapagpalang kamay na humahaplos sa puso niya ang pag-aalalang nasa mukha ng binata.             “Yeah. Pero daan muna tayo sa pharmacy para bumili ng gamot.”             “Huwag ka kasing magpuyat nang magpuyat,” may bahid ng panenermong sabi nito.             “Hindi na, promise,” aniya. Nginitian niya ang boyfriend. Minsan OA din ito kung makapag-react. “Hey, stop worrying, I’m okay na.”             He nodded.   HINDI MAN tingnan ang sarili sa salamin, alam ni Santi na nakasungaw ang pagmamahal sa mga mata niya. Pagmamahal para kay Kara. He knew it was radiating all over him. Kasalukuyan itong kausap ng mommy niya. Kapag ganoong umuuwi sila ng probinsiya ay unang mararating ang Hacienda de Angelo. Dumadaan sila doon. Kapag nasa mansiyon ang mga magulang niya ay saglit na makikipag-usap muna si Kara sa mga ito habang nagmemeryenda. Oh, his parents adore her. Kapamilya na rin naman ang turing sa kanya ng papa ni Kara.             Kara was naturally gorgeous. Kapag may okasyon lang ito nagsusuot ng make up pero ganoon pa man pansinin ang natural nitong ganda. Alon-alon ang maitim at malambot na buhok nito. Ah, gustong-gusto niyang isuklay ang mga daliri niya sa buhok ng dalaga at amuyin ang bango. Very feminine ang facial features ni Kara. She has full, luscious lips. Her button nose was perfect. Bilugan ang kulay brown na mga mata, binagayan iyon ng mahahaba at malalantik na pilik. Maganda ang hubog ng kilay. She was tall, and has a curvaceous body to flaunt. Kapag nasa tabi niya ang dalaga ay hindi matatawarang pride ang nararamdaman niya. That woman was his, forever and ever.             Nagulat pa si Santi nang iharang ng daddy niya ang ulo nito, blocking his view of Kara. Nakangisi ang daddy niya. He came from behind. Ni hindi niya namalayan ang paglapit nito. “Aba’y parang matagal mong na-miss si Kara kung makatingin ka ah. Kailan ba kayo huling nagkita, ha?” tudyo nito sabay tapik sa balikat niya.             Napakamot ng ulo si Santi. Hindi sa pagmamayabang pero aware naman siya na marami ang sumusubok na makuha ang atensiyon niya. But he had only eyes for Kara. Kahit sa murang edad, kahit wala pang muwang kung ano ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay espesyal na ang nararamdaman niya kay Kara. She was lodging in his heart ever since he could remember. Wala siyang ibang gusto kundi si Kara. Wala siyang ibang gustong makita at makasama kundi ang dalaga. It was always Kara, Kara, Kara… He was loving her all his life, and loving her more each day. Hindi na niya mabilang ang mga pagkakataon na pinapangarap niya ang sandaling naroon siya sa harap ng altar at hinihintay si Kara. She’ll be dressed in white, immaculately. Tutugtugin ang paborito nilang kanta habang magkaugnay ang mga mata nila at naglalakad ito sa aisle.             “Mana lang ako sa ‘yo, dad. Why, you’re always looking so mushy at mom.”             “Kuh. Ibinalik pa sa akin,” natatawang sabi nito. “Tingnan mo ang mommy mo, ayaw na ring pakawalan si Kara,” anito. “See? Kanino pa ba ako magmamana kundi sa inyong dalawa,” he said, chuckling. Ang mommy niya at mama ni Kara ang talagang magkaibigan. Nang maulila sa ina si Kara ay naging pangalawang ina na rin nito ang mommy niya. Kung hindi si Kara ang nasa hasyenda ay siya ang dumadayo sa bahay ng mga ito. Ang pinakamatagal na paghihiwalay nila ni Kara ay kapag bumibisita sila sa mga kamag-anak nila sa US. Though, magkahiwalay man, ilang beses naman sa isang araw kung magtawagan sila. Kara was his world. She was the center of his universe. “I’m loving her more intensely each day, dad,” usal niya habang nakatingin sa dalaga. Oh, hindi siya nahihiyang makipag-usap sa ama ng tungkol sa nararamdaman niya dahil bata pa lang ay bukas na siya sa mga ito. “Like… lahat ng senses ko ay parang nakaprograma para lang kay Kara.” Bawat minuto gusto niya itong nakikita, naririnig, nadarama, at nahahalikan. Gusto niyang laging taglay ng hanging nilalanghap niya ang amoy nito. God, he loves her too much. Hindi niya ma-imagine ang bukas na wala si Kara. Lahat ng pangarap na binuo niya, laging nandoon si Kara. “Hinay-hinay lang. Alam mong lahat ng sobra ay masama,” anito. “I know. Yet, I can’t help it. Hindi po ba, marami ang nagsabi na kapag lumawak ang mundo namin ni Kara ay magbabago na ang nararamdaman namin sa isa’t-isa? Sabi nila ay ma-a-outgrow daw namin ang nararamdaman namin. They said we’ll grow apart. Magkakaroon daw kami ng kanya-kanyang buhay at tatahak ng magkaibang landas. But we proved them wrong. We’re getting stronger each day instead.” Lumawak ang mundo nila; marami silang nakilala, maraming lugar na narating. Pero nananatiling pag-aari ng bawat isa ang mga puso nila. Bukod sa common friends ay may kanya-kanya rin naman silang circle of friends, pero at the end of the day ay ang isa’t-isa pa rin ang hinahanap. Sumasama siya sa mga gimik at boys night out ng barkada pero ni minsan ay hindi siya nag-cheat kay Kara kahit haos maghubad na sa harap niya ang babae. He only wants her. “Masuwerte kayo at maaga ninyong natagpuan ang isa’t-isa. You and Kara’s ship was sailing smoothly from the very beginning. Some people were spending their life in search of love. Iyong iba napapalampas pa ang pagkakataon. Iyong iba naman ang daming hirap at pagsubok na pinagdadaanan para sa pag-ibig.” He couldn’t agree more.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD