CHAPTER 3
“WHY ARE you blushing?” tanong ni Santi nang sulyapan siya. Ihahatid na siya nito sa kanila.
“Am i?” kunwa ay inosente niyang tanong.
“You are. At nagpipigil ka rin ng ngiti. Oh, I know you so well, alam ko na may iniisip ka.”
She grinned. Ipinatong niya ang kanang siko sa may bintana ng sasakyan bago nangalumbaba. “Well, can’t you guess kung ano ang iniisip ko?”
Itinabi ni Santi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. “Well, let me see…” Tinitigan siya nito, sinalubong naman niya ang mga mata nito. Hanggang sa gumuhit ang ngisi sa labi nito at kumislap ang kapilyuhan sa mga mata. “Aha! You’re thinking about s*x. Yeah, something like that.”
Muntikan nang mabulunan ng sariling laway si Kara. Hindi na lamang ang mga pisngi niya ang namumula, ramdam na rin niya ang pag-iinit ng leeg at tainga. “O-of course n-not,” nauutal niyang sabi. Well, yeah, he was thinking something like that. But how in the hell did he able to guess that? Mind reader na ba ito? O, baka obvious sa body language niya?
Hindi naman na bago sa kanila ang maghalikan. She was fifteen when they shared their first fiery kiss. Pagkatapos noon ay hindi na niya mabilang ang maiinit at mapusok na halik na pinagsaluhan nila. Of course, ginigising ng halik ang makamundong pagnanasa sa mga katawan nila. But they’ll stop. Tumitigil sila bago pa man makaliban sa linyang itinakda nila. So, yeah, they’re both virgins.
Tinanggal ni Santi ang suot nitong seatbelt, hindi nawawala ang kapilyuhan sa mga mata. Then he leaned towards her seat. Dahan-dahan nitong inilalapit ang mukha. “And, why are you suddenly thinking about that? Hmm?” He cleared his throat. Suddenly his stare became hot. Naapektuhan agad ito ng pinag-uusapan nila. “My body is reacting, FYI.”
Muntikan nang mapasinghap ang dalaga. But dear, her body was reacting, too! Napalunok si Kara nang tingnan ang labi ng binata. At ngayong malapit na ang mukha ng binata at naamoy na niya ang mabangong hininga nito ay naha-high siya. “Y-your mom. She suddenly asked kung kailan daw ba kita pipikutin. K-kung kailan natin siya bibigyan ng apo.”
Tumaas ang sulok ng labi ng binata. “Alam mong hindi mo ako kailangang pikutin,” he said in a very low voice that brings shiver down her spine. “I am nineteen years old and they have no idea that I am still a virgin.”
A soft moan escaped her throat. Bigla siyang nauhaw. Biglang nag-init ang pakiramdam. She wanted to grab his head and kiss him to her satisfaction.
And she didn’t hold back. Tumaas ang mga palad niya, pumaloob ang mga daliri sa buhok ng binata. He pulled him closer and met his lips halfway. They kissed, hotly. Uhaw, nanabik, at hindi makuntento ang mga labi nila. Their lips were sucking and nibbling each other’s lips. Masarap, matamis. Ah, hindi nauubos ang sarap at tamis. Sa halip ay lalong sumasarap at lalong tumatamis ang labi ni Santi. Kara couldn’t get enough. Ganoon din si Santi.
“Kara…” he groaned hoarsely in between hungry kisses.
Kara was now swimming to a sea of pleaure. Her calendar said she was in heat, kaya hindi siya nagtataka sa pagnanasang nararamdaman. It was surging through her. Kaya nang maramdaman niya ang pagkubkob ng palad nito sa ibabaw ng dibdib niya ay halos mapugto ang hininga ni Kara. May mga telang humaharang sa pagitan ng palad nito at ng dibdib niya pero rumagasa pa rin sa katawan niya ang sensasyon. And yes, she wanted him to touch her, skin to skin. Her breasts felt heavier, her n*****s were erect and sensitive.
Nang pumisil ang palad ng binata sa dibdib niya, pinutol niya ang ugnayan ng mga labi nila nang sa gayon ay mapakawalan ang ungol na nasa kanyang lalamunan na. “S-Santi…” she moaned and couldn’t help but arched her body. Humigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok nito. Sa leeg niya dumampi ang mainit na labi ng binata. Ah, something was throbbing inside her. Unknowingly, hinawakan niya ang palad nitong nasa ibabaw ng dibdib niya. Pero hindi niya iyon ginagawa para patigilin ito. Instead, she guided his hand inside her shirt. She wanted him to knead her breast without a single strand of fabric separating their skin.
Pero ang mainit na sandaling iyon ay pinutol ng busina ng dumaang sasakyan. At hindi iyon ordinaryong busina. It was done to get their attention. At saka bumalik ang reyalidad sa kanilang dalawa. Mabilis silang naghiwalay. Jeez! Parang sinusunog ang mukha niya sa pag-iinit niyon. Napatingin siya kay Santi at pulang-pula din ang mukha nito. Natawa siya.
“WHY ARE you laughing?” nagtatakang tanong ng binata.
“Because it’s obvious that you’re a virgin,” nakangising sabi niya.
Hindi makapaniwalang bumuka ang labi ni Santi. And, good Lord, lalong namula ang mukha pati tainga.
“I mean, look at you, mas mapula pa ang mukha mo kesa sa akin. Yung mga experienced guys, naha-handle na nila ang ganitong awkward na sitwasyon. Cool lang sila,” tudyo niya. Pero hindi iyon minus pogi points para sa kanya. Sa halip ay nadagdagan pa ng ilang milyong pogi points ang binata. He was really special. A one in a million.
Santi jokingly wrinkled his nose at her. Humuhupa na ang pagba-blush nito. Nagtaas ito ng noo. “Kahit tuksuhin mo pa ako nang tuksuhin, I’m a proud virgin. Kung rare na sa mga babae na makarating sa age natin na virgin pa rin, mas rare naman sa mga lalaki.” Humina ang boses nito. “At saka ano’ng magagawa ko, eh, sa ikaw lang ang gusto kong…” Napalunok ang binata bago nag-iwas ng tingin. Maybe because he knew desire was clouding his eyes. Tumikhim ito bago nagsalita. “Let’s get going. Baka kanina ka pa hinihintay ni Tito Ron.”
“Sige— Ay, teka…” awat niya nang mapatingin sa labas ng bintana. She looked back and forth. Kapagkuwan ay binuksan niya ang pinto at bumaba.
Agad ding bumaba si Santi. “Bakit?”
“Nandito pala tayo…” aniya sa lugar.
Luminga-linga din ang binata. “Oh,” bulalas nito nang mapagtanto din na iyon ang lugar na pinangyarihan ng aksidente pitong taon na ang nakakaraan. Magkahawak-kamay silang lumiban ng kalsada at lumapit sa may railing. Tiningnan nila ang lugar na pinagdausdusan ng kotse. Wala na ni katiting na bakas ng aksidente. Pero malinaw niyang naaalala ang lahat.
“I’m so proud of you that day. Ang tapang-tapang mo,” aniya sa binata. “Para kang superhero.”
“Ikaw din naman. You were so brave. Hindi madali na may duguan at nag-aagaw buhay sa bisig mo.” Pinisil nito ang palad niya. Binigyan sila noon ng award ng local government dahil sa kapatangan nila. Dumaan din sila sa debriefing dahil baka daw magkaroon ng impact sa buhay nila ang nasaksihang aksidente. “Kumusta na kaya siya, ano?”
“I hope she’s doing well,” ani Kara. Dadalaw sana sila ni Santi sa hospital kaya lang pagpunta nila, ang sabi ay dinala na daw sa Maynila ang pasyente. “Sana naka-recover na rin siya sa nangyaring aksidente. She lost her parents.”
“Naikuwento mo na, for a moment, para ‘kamong namatay sa bisig mo ‘yung babae.”
Tumango siya. “I don’t know kung ganoon nga ang nangyari. But I remember it so well. I remember it so vividly. She took a deep breath. Pagkatapos ay biglang nanlata ang katawan. Yung kamay na hawak ko nawalan ng puwersa. Yung ulo niya bumagsak. You know, katulad ng mga nangyayari sa pelikula. I was certain, tumigil siya sa paghinga. And then suddenly I heard a gasp. Yung singhap na naubusan ng hangin ang baga mo and you desperately wanted to breathe.” What’s weirder is when she opened her eyes and looked at her. God, those beautiful set of eyes…
“Maybe she really died for a few seconds. But he refused to leave. Hindi siya sumuko kaya nakabalik uli ang kaluluwa sa katawan niya,” anang binata. “Maybe God gave her a second chance.”
“Maybe,” sang-ayon niya. Naglalambing na yumakap siya sa baywang nito. Inakbayan naman siya ng binata. “Kung ako man, I’ll also refuse to leave. Against all odds. Hindi kita kayang iwan.”
“Don’t talk like that,” masuyong saway nito. He planted a kiss on her head.
“You’ll never know what will happen next,” usal niya. “Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas.”
“I’m certain na merong ‘tayo’ bawat bukas. Niether of us is going anywhere, without each other. Literally and figuratively.”
PAGPASOK SA bakuran ng bahay nina Kara, agad nilang napansin ang papa niya sa terrace. May kausap itong lalaki. Bata pa, kaedad nila ni Santi. Guwapo.
“Who’s that Pokemon?” tanong ni Santi na muntikan na niyang ikabunghalit ng tawa. Of course, kilala nila pareho ang lalaking iyon. Well, gumwapo ito at gumanda ang built ng katawan pero imposibleng hindi ito makilala ni Santi. Nakatingin na rin sa kanila ang papa niya at ang bisita.
“So, he’s back in town,” aniya. The guy was no other than Drake Bellesa— ang numero unong kalaban ni Santi noong high school days nila. The guy was a bully, if she may say so. Lagi itong nagpapang-abot at si Santi. Nang grumadweyt sila sa high school ay nangibang bansa na ito at ang pamilya.
Bumaba sila ni Santi. And she smiled subtly when Santi held her hand, possessively. He was making a statement. Noon kasi ay madalas na pagselosan nito si Drake. Nang makalapit ay nagbigay-galang sila sa papa niya. Kapagkuwan ay binalingan niya ang bisita. “Drake, long time no see,” aniya. Inaanak ito ng papa niya at kahit na madalas magpang-abot at si Santi ay kaibigan pa rin niya ito. Likas lang talaga itong mapang-asar. At, asar-talo naman si Santi.
“Long time no see?” Nakataas ang kilay ni Drake, bagaman may ngiti sa labi. “Magkausap lang tayo kagabi ah?”
“Loko!” natatawang sabi niya. “Sorry pero nag-mature na itong love ko. Hindi mo na ‘yan maasar sa mga ganyang banat mo.”
Drake grinned. “Joke lang.” Binalingan nito si Santi. He acknowledged his presence. Tumango naman si Santi. Although nakangiti din ang boyfriend niya, parang gusto niyang magduda kung hindi na nga ba ito basta-basta naaasar. Ramdam niya na naka ‘on’ ang territorial mode nito.
GUSTONG lingunin ni Kara si Santi sa kinauupuan nito kasama ang mga magulang, pero pinigilan niya ang sarili. Linggo at nagsisimba sila. Hindi kailanman pumalya ang pamilya ni Santi sa pagsisimba. Ganoon din naman sila ng papa niya.
Ramdam ni Kara ang titig ni Santi. Ramdam din niya ang masamang mood nito. Iyon ay dahil si Drake ang kasama niya imbes na ang ama. At masama ang mood ni Santi dahil alam nitong nanatili pa si Drake sa kanila para makipagkuwentuhan sa kanya.
Natapos ang misa. Binalingan niya si Drake. “Ahm… Salamat uli sa pagsabay sa akin.” Hindi nakasimba ang papa niya dahil mabigat daw ang katawan nito. Dahil takot naman siyang magmaneho, magko-commute na lang sana siya. Pero nakita siya ni Drake na magsisimba din daw. Hindi na niya natanggihan ang alok nitong isabay siya.
Ngumiti ang binata. “Yeah, you’re welcome. Paano, mauuna na ako? I get it na si Santino na ang maghahatid sa iyo pauwi after your date.”
“Yup. That’s the drill,” natatawang sabi niya.
Humugot ng malalim na hininga si Drake bago pabirong umiling-iling. “My, my… parang gusto ko na namang kalabanin si Santino. Parang gusto ko na namang subukan na agawin ka mula sa kanya. On the second thought, I know it’s a losing battle kaya hindi na ako dapat mag-aksaya ng energy.”
She laughed. Nagulat din siya sa Drake na nakausap niya kagabi. Nag-mature na ito. A lot had changed. Nawala ang kayabangan at pagiging bully. Napalitan iyon ng pagiging mapagbiro. At pareho na lang nilang tinawanan ang mga nangyari noon.
“Kara,” paglapit ni Santi. Tama siya nang hinala na masama ang mood ng binata. Nababasa niya iyon sa mga mata nito, gaano man nito itago. Lumapit siya sa binata. He kissed her cheek. Sina Santi at Drake ay nagbatian din bago umalis ang huli.
“Sina Tita?” tanong niya habang palabas sila ng simbahan. Kumapit siya sa bisig nito.
“Nauna na,” matipid nitong sagot, ni hindi siya tiningnan. Lihim na napangiti naman si Kara. Nagseselos ang binata, walang duda.
“MAS GUWAPO si Drake ngayon, ano? At saka mas gumanda ang katawan,” aniya habang pigil-pigil ang pagtawa. All right, ginagatungan nga niya ang pagseselos ng binata. Pinagti-trip-an niya ito. Wala lang, na-e-enjoy lang niya ang uneasiness nito. Matagal-tagal na rin noong huli itong magselos. He was so confident she loves him.
Humantong sila sa plaza. Habang lumilipas ang taon ay lalong gumaganda at lumalawak ang plaza. Their local government unit invested a lot in it. Nagiging pasyalan na iyon. Naging parang maliit na theme park. Kaya naman lagi ring matao doon. Naglalakad-lakad sila. Nandoon na sila sa lugar na may mga stall ng ihaw-ihaw mapa-seafoods man o karne. May stall ng street foods, lugawan, gotohan, at kung ano-anong kakanin. May nag-iihaw din ng mais at saging na saba.
“Sinabi mo na ‘yan kagabi,” supladong sagot nito. Kunot na ang noo. Nilakihan pa ang paghakbang kaya nauuna na ito sa kanya. “Kulang na lang pati kuko niya sa paa purihin mo.”
“I know,” sabi niyang lihim na ngumingisi. Humabol siya kay Santi at umagapay sa paglalakad. “Kaya lang kapansin-pansin kasi talaga. At saka yung ugali niya? I’m telling you anlaki ng—” Biglang tumigil sa paglalakad si Santi kaya hindi niya itinuloy ang sinasabi.
“Can we stop talking about him?” Pikon nitong sabi. Hindi na maipinta ang mukha sa pagsimangot. “Can you stop talking about him?”
Hindi na napigilan ni Kara ang sarili, pinakawalan na niya ang bungisngis niya. She laughed out loud. Siyempre pa, lalong napikon si Santi. He walked out on her.
“Santi! Hoy!” natatawang pagtawag niya. Pero hindi siya nito pinansin, tuloy-tuloy itong umalis. “Santino! Aba’t…” hindi makapaniwalang bulalas niya.
Nawala ang ngiti niya nang hindi na makita ang likod nito. Nagbilang siya hangang lima; one, two, three… three and one-fourth, thee and a half, three and three-fouth… four. Kara pressed her lips. Imbes na habulin at sundan ang binata, malalaki ang hakbang na tinahak niya ang opposite direction. Naasar na rin siya. Uuwi na siya. All right, she provoked him, pero tama ba namang iwanan siya nito? Ha! Huwag lang itong makatext-text sa kanya. Huwag lang itong makatawag-tawag. Isang linggo talaga niya itong hindi iimikan!
Nakasimangot na si Kara. Siya ang nang-iinis pero sa huli siya rin pala ang maiinis.
SHE ISN’T following me, naaalarmang sabi ni Santi sa sarili bago mabilis na bumalik. Malalaki ang hakbang, at palinga-linga siya. But Kara was nowhere in sight. “s**t!” bulalas niya bago tumakbo na. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakita na niya ang dalaga. Malalaki ang hakbang nito, mukhang patungo na sa sakayan. Her body language says she was mad. Sumunod siya. Naramdaman marahil ang presensiya niya, tumigil ito sa paglalakad at lumingon; only to frown at him. Napakamot siya ng ulo.
“Sorry,” he mouthed.
Tumalikod ang dalaga ang itinuloy ang pag-alis. Lihim na napangiwi si Santi. Kung bakit kasi naisipan pa niyang mag-walk out. Gusto tuloy niyang batukan ang sarili. Alam naman niyang pinagkakatuwaan lang siya ng dalaga, pero kasi hindi talaga niya mapigilang magselos. Magkaibigan ang pamilya nina Drake at Kara. On her father’s side naman. Kahit maraming beses na silang nagpang-abot noon ni Drake, nanatiling kaibigan pa rin ito ni Kara. Nang makita niya ito kahapon sa bahay nina Kara, alam niyang intresado pa rin ito kay Kara. Nababasa niya sa mga mata nito.
Mabilis niyang nilapitan ang dalaga. When he was beside her, he tried to hold her hand. Pero iniiwas nito ang palad. Lagot. “Sorry na. Nagpapahabol lang naman ako sa ‘yo e.”
Hindi umimik ang dalaga. But her pace was slower now. “Kagabi pa nga ako hindi mapakali. Imagine, anong oras na nasa inyo pa ang Drake na ‘yon. Tapos kanina, makikita ko na lang na siya ang kasama mo sa pagsisimba?” And he saw how they laugh merrily awhile ago! Langya, nakakaselos talaga. Kung bakit naman kasi apektadong-apektado siya sa presensiya ng damuhong Drake na ‘yon. Alam niyang dapat secured na siya sa pagmamahal ni Kara kaya lang kasi… Ah, langyang selos. Pahamak din talaga minsan at wala sa lugar. “All right, I’m jealous.”
“Kuyang pogi!” pagtawag ng gusgusing babae. Pasayaw-sayaw na umaaligid-aligid ito sa kanila, may hawak na inihaw na dried pusit. Nakangisi ito. May mga namamalimos sa plaza pero mukhang bago ang isang ito, ngayon lang niya nakita. “Kuyang pogi, walang forever. Maghihiwalay din kayo. Iiwan ka ni Ateng ganda. Kros may hart, End Howp to day!” Ngumisi pa ito ng nakakaloko bago pasayaw-sayaw na umalis.
Kumunot ang noo niya. Parang gusto niyang mag-react ng bayolente sa sinabi nito. Nag-iwan iyon ng pait sa lalamunan niya. Hanggang sa may palad na humawak sa palad niya. He knew it was Kara’s. Pamilyar na pamilyar ang sistema niya sa dalaga. “Huwag mong dibdib ang sinabi niya,” ani Kara, nakangiti na ito. Thank God. Hinigpitan niya ang hawak sa palad nito.
“Sorry,” sabay nilang usal. They smiled and stared at each other. “Tara, balik tayo doon. Bigla akong natakam sa inihaw na mais na may margarine. Doon na lang natin pag-usapan si Drake.”
“Ok—” natigilan ang binata nang tila may mahagip ang paningin. Kunot ang noo na bahagyang itinaas nito ang kaliwang braso niya. Binitiwan din nito ang palad niya bago bahagyang itinaas ang sleeve ng damit. “Kara, what’s this?” anito. Napatingin din siya sa braso niya. May malaki-laking pasa sa inner arm niya. “Napaano ‘yan?” seryosong tanong nito.
Hindi rin niya alam. She wasn’t aware na may pasa siya roon. Wala iyon kanina. Pero kaninang maligo siya ay may nakita siyang isang malaki-laking pasa sa may baywang niya. Hindi naman masakit. “Ah, that. Hmm. Nagkakapasa talaga ako kapag malapit na akong magka-period,” sabi na lang niya. Though katatapos lang naman ng period niya. At hindi ganoon kalalaki ang nagiging pasa niya bago ang period.
“Hindi masakit?”
Umiling siya. “Hindi naman. No pain at all. Hindi ko nga mapapansin kung hindi mo nakita.”
“Nagpa-check up ka na? Have you asked the doctor kung normal na nagkakapasa ka before your period?”
All right, heto na naman po ang sobra-kung-makapag-alala na boyfriend niya. “It was normal dahil anemic ako. Can we stop talking about my period?” natatawang pag-iwas niya. “Nakakailang.”
“Hindi ang period mo ang concern natin dito kundi ang pasa mo,” seryosong sabi nito. Lalo siguro itong hindi matatahimik kapag nalaman nitong hindi lang iyon ang pasa sa katawan niya. Tumaas ang kilay nito. “At bakit ka maiilang na pag-usapan natin ang period mo? Hindi ko na mabilang ang mga pagkakataon na pinabili mo ako ng sanitary napkins mo, hindi ba iyon nakakailang sa part ko?”
She grinned and quickly planted a kiss on his cheek. “Oo na. Salamat sa concern pero okay lang po ako.”