Chapter 4

2513 Words
CHAPTER 4            SINULYAPAN ni Kara ang nobyo. He smiled at her. She rolled her eyes in return. Nasa library sila. Balik-eskuwela na. Nagbabasa siya ng libro habang si Santi ay walang ibang ginagawa kundi titigan siya nang titigan. Hawak nito ang isang palad niya sa ilalim ng mesa. Ang kaliwang palad nito ay sumasalo sa ulo nito. Nangangalumbaba ang loko habang animo naeengkanto sa pagtingin sa kanya.             “Bakit gano’n? Magkasama lang tayo kagabi pero pakiramdam ko miss na miss kita?” mahinang sabi ni Santi. Hindi na lamang hawak nito ang palad niya, pinaglalaruan na nito iyon. Humimig pa ito ng kanta, “O, giliw ko, miss na miss kita…”             “Huwag kang magulo,” mahinang saway niya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Kunwari lang naman siya seryoso pero deep inside kilig na kilig siya. Ang hirap pa namang magpigil ng ngiti. Kanina pa nga niya kinakagat ang dila niya para pigilan ang pagngiti. Siguro kung gagawin nilang diary ang f*******: at ido-dokumento ang bawat sandali ng relasyon nila, siguradong magte-trending din sila at magiging ultimate relationship goal.             He continued playing with her palm and fingers. “Tell me you love me,” ungot nito. Itinabi na sa kanya ang silyang inuupuan. He stole a quick kiss on her check before resting his head on her shoulder. “Hoy…”             Hindi niya napigilan ang pagbungisngis. Nang biglang dumating si Precilla. Common friend nila ito ni Santi. Kababata at kaklase noong high school. Anak ito ng maimpluwensiyang pulitiko sa probinsiya nila. Padabog na ibinaba nito ang mga gamit sa mesa. “Jeez! Andami nang langgam dito. Hindi pa rin ba kayo nagsasawa sa isa’t-isa?” Inirapan sila, bago ito naupo.             Nagkatinginan sila ng binata, nagpalitan ng senyas. Umayos ng upo ang binata pero hindi pa rin pinapakawalan ang palad niya.             “What’s wrong? Bakit nakasimangot ka na naman? Oh, let me guess,” aniya. “Si Rigor?” Rigor was a friend, too. Ito at si Precy naman ang close. Iyon nga lang, nahulog si Precy dito.             “Do you want me to leave you two alone?” tanong ni Santi.             “No, you can stay,” ani Precilla. Bagsak ang balikat nito at malungkot ang kislap ng mga mata.             “Nabanggit ko na sa ‘yo na balik-Pilipinas na si Drake, di ba?”             “Yeah. You do. In fairness, lalong gumuwapo ang lalaking iyon,” ani Precilla. Napatingin tuloy siya kay Santi at hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang pagtaas ng kilay nito.             “Major crush mo yon dati eh,” aniya.             “Dati yon,” hindi intresadong sagot nito.              “Oh, okay. Dahil hindi ka naman intresado kay Drake balik tayo kay Rig. Akala ko magko-confess ka na ng feelings mo sa kanya?” tanong niya. Napag-usapan na kasi nila iyon. Hinihintay na nga niya ang tawag nito kung ano ang resulta ng confession nito. Pero dahil wala siyang natatanggap na tawag, in-assume na niya na hindi itinuloy ng kaibigan ang balak nito.             “Oh, really, Pres?” gulat na tanong ni Santi. “Magko-confess ka? Sama ako ng sampu.”             Lalong bumagsak ang mga balikat ni Precilla. “Unfortunately, hindi ko magawa. Hindi pala ganoon kalakas ang loob ko para sabihin sa kanya na matagal ko na siyang mahal. Lagi akong nauunahan ng kaba. Ah, I’m so stupid to fall in love with my best friend. Buti pa kayong dalawa,” himotok pa nito.             Muli silang nagkatinginan ni Santi at parehong napangiti. Yeah, buti nga sila’t maagang natagpuan ang soulmate sa katauhan ng isa’t-isa. Time flies, and yet they’re getting stronger and falling more deeply in love with each other.             “You have to take the risk. Kesa lagi kang nagwa-wonder. Hayan nga at nahihirapan ka na oh,” aniya. Binalingan niya si Santi. “What do you think?”  “Hmm. Bakit hindi mo iwasan muna si Rigor at pagselosin,” anito. “Kunwari dumistansiya ka muna, tapos mag-entertain ka ng ibang lalaki. Hindi mo naman totally iiwasan si Rigor pero limitahan mo na ang atensiyong ibibigay mo sa kanya. Trust me that way makakakita ka ng mga pagbabago sa ugali ni Rigor. He’ll be possessive of you. He’ll be jealous. Hanggang sa magtapat siya.” “Talaga?” buong interes na tanong ni Precy. Tumuwid pa ang likod nito at biglang nawala ang pananamlay. “It’ll work?” “Yup. Ganoon kasi usually ang mga lalaki, kapag may ‘threat’ at saka nagpapakatotoo sa nararamdaman. Why don’t you give it a try? Use Drake. Ask his help. Tutal naman ay alam ni Rig na major crush mo si Drake. Imagine his reaction. Drake will be an effective ‘threat’.”              “I’ll do it,” determinadong sabi ni Precilla.             “Good,” aniya. “There’s no harm in trying anyway.” Nagtinginan sila ni Santi at nagpalitan ng ngiti.             Maya-maya pa ay umalis na rin si Precilla. Sisimulan na umano nito ang palabas. Iiling-iling na sinundan niya ng tingin ang papalayong kaibigan. “Ang dalawang ‘yon talaga, oh. Ano ba ang tingin mo kay Rig—” natigil siya sa pagsasalita nang mapansing nakatitig na naman si Santi. Nakapangalumbaba na naman ito. This handsome man was obviously head over heels in love with her. Muntikan na tuloy siyang mapabungisngis. Buti na lang at aware siya na nasa library sila.             “Do you believe in reincarnation?” mahinang tanong nito.              “I do. Katulad ng naniniwala ako na may mga aliens, aswang, maligno, at kung ano-ano pang bagay na kaya at hindi kayang ipaliwanag ng science.” Isinara na ni Kara ang nakabukas na libro. Ginaya niya ang boyfriend, ipinangalumbaba din niya ang isang palad. Ang isa niyang palad ay hawak pa rin nito. May ngiti sa labi niya. “Ah, I get it. Iniisip mo na baka reincarnation rin tayo? Like we’re lovers sa previous life natin?”             He grinned and nodded. “Kasi bakit mga bata pa lang tayo, sigurado na agad tao sa feelings natin for each other? And why I’m loving you more intensely each day? Why, Kara, why it feels like I was born to love you? And you were born for me?”             “Baka hindi nagkaroon ng katuparan ang pagmamahalan natin sa previous life natin, kaya ngayon ay bumabawi ang tadhana at pinapasaya tayo. Do you think, we’ll have a happily-ever-after in this lifetime?”             “Of course,” siguradong sagot ng binata. Kapagkuwa’y tumayo ito. “Come with me,” anito bago marahang hinila siya. Napilitan tuloy siyang tumayo at sumunod dito dahil hindi nito binibitiwan ang palad niya. Maya-maya lang, humantong sila sa likod ng isang bookshelf.             “Ano’ng…” natigilan siya nang makita ang pilyong kislap ng mga mata ni Santi. He will kiss her! Itinago niya sa pagtawa ang pagba-blush niya. “Really, Santi?”             “Sshhh,” nakangiti at pilyong saway nito. Inilagay sa baywang niya ang mga palad bago inilapit ang mukha sa mukha niya. Nawala ang pagtawa ni Kara. As she inhaled his sweet and warm breath, heat surged through her. Kumapit siya sa jacket ng binata bago marahang sinasalubong ang labi nito. They were exchanging breaths and they were teasing each other. Iyong akala niya ay aangkinin na nito ang labi niya pero hindi pala. It was torture, really. Ang resulta ay mas lalo siyang nananabik sa halik nito. So when their lips finally met, she was on fire. Sinabayan niya ang kapusukan ni Santi.             “Oopss,” sabi ng boses ng kung sinong estudyante na bumasag sa moment nila. Imbes na sila ang mahiya, ito pa ang dali-daling umalis. Nagkatinginan sila ng binata at impit na nagtawanan.    “HEY, WHAT’S wrong?” nagtatakang tanong ni Kara nang makita ang malungkot na mukha ng nobyo. Hapon na. Kasasakay lang niya sa kotse nito. Naunang natapos ang klase ng binata, pero ang sabi nito ay hihintayin na siya.             “Mom called a while ago…” bumuntong-hininga ito. “My grandparents met an accident, car accident, at critical daw.”             “Oh, my God…” gulat na bulalas niya. Inabot niya ang balikat nito at hinaplos para iparating ang suporta niya. Alam niyang close si Santi sa mga lolo at lola nito. They were living in the US. “I’m sorry.”             Tumango ang binata. “We need to go there. We need to be there. Nai-book na ni dad ang flight namin. Mamayang midnight na. Paluwas na sila, sa airport na lang kami magkikita-kita.”             Oh. Hindi alam ni Santi na may nangyari sa kanya kanina, kaninang maghiwalay sila sa library. Ang totoo hanggang ngayon ay nangangatog pa ang tuhod niya dahil doon. Paano pa niya masasabi sa binata kung ganitong may pinoproblema na ito? “Do you need help packing your things?” marahang tanong niya. Itinaas niya ang palad at hinaplos ang pisngi nito.  Sa susunod na linggo ay tig-tatlong araw na lang ang pasok nila pagkatapos ay semestral break na.             Marahan itong ngumiti. “Yes. No. Well, actually, gusto lang kitang makasama. Gusto kong sulitin ang natitirang ilang oras na kasama ka. Hindi ko pa alam kung hanggang kailan kami doon. Thank God hindi maaapektuhan ang studies ko dahil sem-break na rin naman.”             “Okay,” aniya.   “WHAT ARE you doing?” tanong ni Santi. Kausap niya ito sa telepono. Tatlong araw na ito sa US. Madalas itong tumawag. Nasa ospital pa daw ang matatanda, at sa awa ng Diyos ay nakaka-recover daw.             “Nanonood ng KDrama,” kunwari ay masiglang sabi niya. She bit her lower lip. Ang totoo ay nasa opisina na siya ni Doctor Clarence para alamin ang resulta ng check up niya. Kausap lang umano nito ang director ng hospital. Sa totoo lang ay ninenerbiyos siya at natatakot. Kahapon  kasi ay kung ano-anong test ang pinagdaanan niya. Kinuhanan siya ng dugo, MRI, CT-scan at kung ano-anong examination. Ayaw namang magsalita ng doctor hangga’t hindi lumalabas ang resulta ng tests niya.             Something bad happened to her that scared the hell out of her, noong maghiwalay sila ni Santi sa library…             Nang makaalis si Santi para pumunta sa sunod na klase nito, pumunta naman si Kara sa Ladies Room. Libre pa siya sa susunod na twenty minutes. She was done peeing and about to go out of the cubicle when a sudden agonizing pain strikes her head. “Ahh,” daing niya. Hindi na lamang ang ulo niya ang masakit, bigla ay parang nanlambot ang mga kasukasuan niya. Umatake din doon ang sakit. Ibinaba niya ang toilet cover bago naupo roon. “Ahh,” hindi niya malaman kung sasabunutan ang sarili o mas iintindihin ang nanginginig niyang kasukasuan. Kagabi lang ay nagising siyang basang-basa ng pawis kahit na may aircon naman ang silid niya.             “s**t, s**t…” bulalas niya bago impit na umungol. Ramdam niya ang malalamig na pawis na lumalabas sa katawan niya. And she felt dizzy.             “Miss? Miss, are you okay?” anang tinig sa labas ng cubicle, kasabay ng katok sa pinto.             “N-no.” nanghihinang sabi niya. Pero sa gulat niya, bigla na lang nawala ang sakit. Pinakiramdam niya ang sarili. Wala na talaga ang sakit. Ramdam na lang niya ang malalamig na pawis. “I’m… I’m okay now,” sabi niya. Tumayo siya. s**t, nanginginig pa ang mga tuhod niya. Lumabas siya ng cubicle.             “Hey, are you okay?” sabi ng babae. Bakas ang concern sa mukha nito.             Tumango siya. “My head hurts b-but I’m okay now. Thank you.” Tumango ito bago umalis. Nang tingnan niya ang sarili sa salamin, nakita niyang ga-munggo ang mga pawis sa noo niya. Kulay papel na rin siya.             Naghilamos siya. To her horror, nagkaroon ng dugo ang palad niya. Humahalo na iyon sa tubig. Natatarantang napatingin siya salamin. The blood was from her nose. Dumudugo ang ilong niya.  Lalo siyang natakot. Okay, hindi na niya p’wedeng ipagwalang-bahala ang nararamdaman niya lately. Baka hindi na lang iyon simpleng kaso ng migraine tulad ng akala niya. She needs to see a doctor.             Sasabihin sana niya sa binata ang nangyari at magpapasama dito na pumunta ng hospital, pero hindi na nga niya nasabi dahil sa balita ng aksidente ng grandparents nito. Sinamahan niya si Santi at ang mga magulang nito sa airport habang naghihintay ng flight ng mga ito. Kinabukasan nga ay agad siyang nagpunta ng hospital. And the doctor told her to undergo a series of tests. Nakipag-cooperate naman siya.             “KDrama. Urgh,” pag-ungol ng binata na ikinatawa niya.             “Hindi naman po kita ipagpapalit kay Joong Ki,” tumatawang sabi niya. “Mas guwapo ka kaya kesa sa kanya. Lamang na lamang ka ng maraming paligo. Uyy, ang lawak ng ngiti ng isang mama…” tukso niya.             He chuckled. “Totoo naman, ah. Mas guwapo naman talaga ako doon. Mas manly. Mas malakas ang appeal. Mas—”             “Oo na po,” humahagikhik na putol niya rito. “Ikaw na.” Kapagkuwan ay natigilan siya sa tila pagtusok ng karayom sa ulo niya. Pabugso-bugso ang sakit. It was sudden and fast. Bigla ding nawala.             He laughed. “I’ve got to go. Tinatawag ako ni mommy. I love you. Take care.”             Napalunok siya. s**t. What was happening to her? “L-love you, too.” Ibinaba niya ang cell phone. Tamang-tama naman na pumasok na sa silid ang doctor. “Good afternoon, Doc,” nakangiting bati niya.             “Good afternoon, Miss Agustin. Please have a seat,” anito bago dere-deretsong naupo sa swivel chair nito. Mula sa drawer ay kinuha nito ang isang folder. Nahagip agad ng paningin niya ang pangalan niya sa folder. That must be her file. Doctora Clarence took a deep breath. “Can I call you Kara?”             “Of course, Doc,” aniya. Ayon na naman ang pagdagundong ng kaba sa dibdib niya.             “Hmm, Kara. Wala ka bang kasama? A friend, or a family?” alanganing tanong nito. Umiling siya. “Ako lang po, Doc.” s**t. Hindi nakakatulong ang nakikita niyang hesitasyon sa mukha ng doktora. Hindi siya nare-relax, sa halip ay lalong tumitindi ang kaba niya. Iyong pakiramdam na animo may masamang balita siyang matatanggap. Nahiling tuloy niya na sana ay nasa tabi niya si Santi sa sandaling ito. “Actually, hindi alam ng family ko o ng friends ko ang pagpapa-check up ko. So, uhm… kumusta naman po ang result ng tests? Please, doc, deretsuhin ninyo ako.” Tumayo ang doktora. Umupo ito sa silyang kaharap ng kinauupuan niya. Then she took her hand and held it. Binalot ng lamig ang katawan ni Kara. I am sick. She’ll tell me I am sick…  “Kara…” anito. Halos mautal ang dalaga. “I-it’s bad, isn’t it, Doc?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD