Chapter 5

3710 Words
CHAPTER 5  “JESSICA!”             Tumigil si Jessica sa paghakbang at humarap sa tumawag sa kanya. Si Lucille iyon, kaibigan niya, ka-trabaho, at kasama sa apartment. Pareho silang nurse at nagtatrabaho sa St. Matthew Hospital. Magkaiba ang shift nila ni Lucille kaya hindi sabay ang break time nila. “Aakyat ka na naman sa rooftop?” tanong nito.             Nakangiting tumango siya. “Oo. Bakit?” Break time niya. At kapag break time ay pumupunta siya sa rooftop ng hospital para doon palipasin ang oras.             Umiling si Lucille. “Wala naman. Nakita lang kita kaya tinawag kita. Sige, may iniuutos sa akin si Doctora,” sabi nito bago umalis.             Itinuloy ni Jessica ang pag-akyat sa rooftop. Naupo siya sa isang bench na madalas niyang tambayan. Pa-hapon na kaya hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw. Tumingala siya’t pinagmasdan ang langit.             Somewhere out there, a billion lightyears away from planet Earth has a planet called Dehava. And the truth is Dehava is… her planet. Her home…             “And I’m missing home so much…” bulong niya.             Miss ka na rin namin dito, Prinsesa Vaya… ang sabi ng boses sa isip ni Jessica. Napangiti siya. Nabawasan ang pangungulila sa dibib. Si Prinsipe Vrigo iyon. Ito ang nakababata niyang kapatid. Malapit ka ng umuwi…             Malapit na. Malapit nang maghanay ang mga planeta, natutuwang sagot niya. Nasa Dehava si Vrigo at nasa Earth naman siya pero nakakapag-usap sila sa pamamagitan ng isip o telepathy.             Oo, isa siyang alien sa planetang ito. Vaya ang pangalan niya sa kanilang planeta. Oh, she looks like a normal human being. Iyon ay dahil sumapi siya sa katawan ng isang Tao— si Jessica. Seven years ago, she walked-in at Jessica’s body and made the body hers. Inangkin niya ang katawan ni Jessica. Dito sa Earth, nabubuhay siya sa pagkatao ni Jessica. Naparito siya sa Earth dahil sa isang misyon. Misyong mapakikinabangan ng kanilang lahi. Sandali, putol niya sa pagkukuwentuhan nila ni Vrigo. Napansin ko na sanay ka na rin sa wikang ito, ah?             Tumawa ito. Dahil sa ‘yo. Sa madalas nating pag-uusap ay natutunan ko na rin ang language na iyan. Hindi na ako mahihirapan sa pakikipagkumikasyon kapag ako naman ang pumunta riyan para mangalap ng kaalaman. Kaya ko na nga ring mag-English.             Hindi na nagulat si Jessica/Vaya. Ang lahi nila ay likas na matalino at madaling maka-adapt. Sasagot pa sana siya nang pumasok sa pandinig ang hagulhol ng kung sino. Mabilis na nagpaalam siya kay Vrigo para hanapin kung sino ang umiiyak.  Babae iyon. Tumayo siya at pinuntahan ang pinagmumulan ng pag-iyak. Nakita niya ang babae sa kabilang panig ng rooftop. Pasalampak na nakaupo ito sa maalikabok na sahig, nakayuko at nakalaylay ang buhok na tumatabon sa mukha nito. Ang mga palad ng babae ay nakatuon sa Bermuda grass. Mukhang miserable ang babae. Para bang dala-dala nito sa balikat ang bigat ng buong mundo. Nakadama siya ng awa. Hindi maintindihan ni Jessica/Vaya kung bakit parang bigla siyang nagkaroon ng koneksiyon sa babae. Tinanggal niya ang suot na headset at ipinamulsa iyon. Sa kabilang bulsa ng suot na nurse’s uniform ay hinugot niya ang isang puting panyo. Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng babae. Tumigil ito paghagulhol nang mapansin ang presensiya niya. Wala nang tunog ang pag-iyak ng babae pero nakayuko pa rin ito at yumuyugyog ang mga balikat. Her tears were overflowing. It was unstoppable. Sa katunayan ay basa na ng luha ang sementong kinayuyukuan nito.             “Uhm,” muling pagtikhim ni Jessica/Vaya. “Mas makakaluwag sa dibdib kung ilalabas mo ang ano mang mabigat na alalahaning nariyan sa iyong kalooban,” sabi niya. “I’m… I’m a stranger. Someone you don’t know. ‘Di ba sabi nila ay mas maganda daw magbukas ng saloobin sa isang estranghero dahil masasabi mo sa kanya ang lahat at wala kang kailangang isaalang-alang?” dagdag pa niya. Umupo na siya para magpantay sila ng babae. Hinawakan ni Jessica/Vaya ang balikat nito. Nang tuluyang maglapat ang mga balat nila ay napasikdo siya. May naramdaman siya. Something strange, yet powerful. The connection was too strong it was making her gasp in amazement. Hindi siya nakaramdam ng ganito kanino man, kahit sa pinakamalapit niyang kaibigan na si Lucille. Why? Hindi na mabilang ang mga Taong nakita niya na umiiyak. Hindi na mabilang ang mga tao na nakita niyang nagdurusa, pero sa babaeng ito lang siya nakadama ng kakaibang koneksiyon. Something was familiar about her though. Ang babae ay dahan-dahang nag-angat ng mukha. Sumisigok ito. Halos matunaw ang puso ni Jessica/Vaya nang makita ang buong mukha nito na basang-basa sa luha. And then… Jessica/Vaya’s lips parted in surprise when their eyes met. Nakita na niya ang mga matang ito. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga matang ito. Because it was imprinted in her… Naaalala niya kung saan at kung kailan sila unang nagtagpo ng babaeng ito. It was seven years ago. Noong ihatid siya ni Vrigo sa Earth. Noong sapian niya ang katawan ng batang si Jessica. Ang babaeng ito ay si… Kara— ang batang sumaklolo noon sa nag-aagaw buhay na si Jessica. She could remember that incident so vividly… Nagsalita si Vrigo sa kanilang lengguwahe.“Kailangan nating makaalis bago matapos ang meteor shower.” They’re on their spaceshift. It was camouflaging as a star. Their planet was billion lightyears away from planet Earth. Pero dahil sa natuklasang wormhole ay nagiging madali ang pagpunta nila sa Earth. A wormhole is like a magic tunnel kung saan sa kabilang tunnel ay naroon ang Dehava, sa kabila ay ang Earth. Ilang beses nang nagpapabalik-balik sa Earth ang lahi nila, kumukuha ng kaalaman. And now, it was her turn to do the mission. Kailangan niyang manatili sa Earth, mabuhay bilang Tao para makapangalap ng kaalaman. At para mabuhay bilang Tao, kailangan niya ng katawan ng isang Tao. Katawang puwede niyang sapian. No, hindi sila pumapatay ng Tao para maangkinin ang katawan nito. Nakahanap ng paraan ang ninuno niya kung papaano sila makakagamit ng katawan ng Tao na hindi kailangang pumatay. All they needed to do was to look for a dying person. Kapag namamatay ang isang Tao ay humihiwalay ang kaluluwa nito. Kinakausap nila ang kaluluwa para ipaubaya na sa kanila ang katawan. When the soul agreed, magagawa niyang pasukin ang katawan at gawin iyong kanya. Kapag hindi pumayag ang kaluluwa ay hindi magiging possible ang pagsapi. Natuklasan ng ninuno niya ang ganoong proseso noong may nakita umano ito na dalawang kaluluwa na nag-uusap para magpalit ng katawan. Ang ganoong proseso ay tinatawag ng mga Tao na Walk-In at Soul Switching. “Doon!” biglang sabi ng isa nilang kasamahan. “May mamamatay doon.”Pinaandar nito ang spaceshift at pinapunta sa lugar na nagbi-blink sa isang monitor. “Car accident. Pamilya. May babaeng bata pa. Tamang-tama para sa ‘yo, Prinsesa Vaya. Dali, Prinsesa, paalis na ang kaluluwa. Papunta na sa liwanag.” Kaya nagmadali si Vaya na kausapin ang kaluluwa ng bata. Jessica, the girl’s name was Jessica. Vaya asked for the body. Ipinakiusap niyang ipaubaya na iyon sa kanya, kasabay ng pagpapaliwanag ng misyon niya. Na naparito lang sila sa Earth para mangalap ng kaalaman. Naramdaman siguro ang sincerity niya kaya pumayag si Jessica, sa kondisyong hindi niya sasaktan ang sino mang Tao. Nangako siya. Oh, hiniling din pala ni Jessica na pasalamatan ang batang umaalo umano dito. Nang sulyapan niya ang katawan ni Jessica ay nakita niyang kalong ito ng isang batang babae na nakayuko at umiiyak. Jessica waved at her while was walking to that magical light. Kasama nito ang mga magulang. Dahil nauubusan na ng oras, agad niyang pinasok ang katawan ni Jessica. She walked-in, and the body welcomed her dahil nakuha niya ang permiso ng may-ari niyon. For a moment, everything was black. And then, a  warm and shaky hand was the first thing Vaya had felt after she walked-in at Jessica’s body. Nararamdaman niya ang takot at kaba sa palad na iyon. Nararamdaman din niya ang tapang at lakas ng loob. The hand was tender and warm and courageous. Parang dumederetso iyon sa… sa puso niya.  “T-thank God. Thank God. K-kapit lang ha? M-makakaligtas ka. P-promise makakaligtas ka,” narinig niyang sabi ng boses ng kung sino. Hula niya ay ang may-ari ng palad na nakahawak sa palad niya— palad ng batang sinapian niya.— ang nagsalita. Iminulat ni Vaya ang mga mata. And she saw that eyes. Umiiyak sa takot at pag-aalala ang mga matang iyon, pero naroon din ang katuwaan nang malamang ‘buhay’ siya. Hindi alam ng batang ito na patay na si Jessica at sinapian na lamang niya ang katawang ito. The body was hers now. It was hers from now on. Vaya will live as Jessica… “B-brave ka rin ‘di ba? Y-you can do it. You can do it,” sabi pa nito na parang pinalalakas ang loob niya. Magkaiba ang hitsura ng mga Tao at mga Dehavian, pero dahil matagal na rin nilang inoobserbahan ang mga Tao ay nasanay na rin siya sa hitsura ng mga Tao. Nakakatakot noong una. Nakakapanibago. Pero habang tumatagal ay napa-fascinate na siya. I’ll see this child again. Muling magtatagpo ang mga landas namin… Iyon ang sigurado niya.  “T-tingnan mo ang langit, oh. Ang ganda, hindi ba? M-maraming shooting stars,” sabi pa ng bata. Saglit na tumingin siya sa kalangitan. Nakita niya ang spaceshift nila. Okay ako. P’wede n’yo na akong iwanan, sabi niya sa pamamagitan ng telepathy. She spoke in their language. Kapagkuwan ay ibinalik din niya ang paningin sa bata. Kara… her name was Kara.  “D-do you… do y-you believe in m-miracle?” tanong niya rito sa mahinang boses. Tumango si Kara. “Mama’s already in heaven. P-pero, k-kapag tumitingin ako sa langit at nakikita ko ang pinakamaliwanag na bituin ay n-nakikita ko si Mama. M-miracle iyon para sa akin…” Nakarinig siya ng ugong ng sasakyan. “M-madadala ka na sa hospital. Ligtas ka na. L-ligtas ka na,” tuwang-tuwang sabi ni Kara. Pinisil niya ang palad nito. “H-hanggang sa muli nating pagkikita… Kara.” Kaya pala, kaya pala nakakadama si Jessica/Vaya ng koneksiyon sa babae dahil ito ang unang Tao na na-encounter niya nang pasukin ang katawan ni Jessica. Hindi lang ang mga mata nito ang naaalala niya. She could also remember the warmth of her trembling little hands. At tama siya, muli nga silang magkikita.   TINITIGAN NI Jessica/Vaya ang noo ni Kara. She will read her thoughts. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan ng mga luha ni Kara. Gusto niyang malaman kung bakit ito miserable. Bumigat ang dibdib niya sa nabasa. Kaya pala… kaya pala miserable si Kara.             “I…I’m d-dying,” halos pabulong na sabi ni Kara sa basag na boses. Humagulhol na naman ito. Jessica/Vaya took a deep breath. Iyon din mismo ang nabasa niyang impormasyon sa isip nito. This woman was so pure she can easily read even her deepest thoughts. At naaapektuhan siya. Bumibigat din ang dibdib niya na para bang ramdam rin niya ang bigat ng mundo na pasan-pasan ni Kara sa mga balikat. Nabasa niya sa isipan nito ang lahat, lahat-lahat. Walang labis, walang kulang. Nalaman din niya kung kailan mamamaalam si Kara sa mundo. Coincidence lang ba na kung kailan siya uuwi sa Dehava ay saka mamamatay si Kara? Coincidence rin lang ba na si Kara ang una niyang makakaengkuwentro noong pumunta siya sa Earth? Coincidence lang ba na si Kara ang nasa tabi ni Jessica ng mamatay ito, at si Kara rin ang nasa tabi ni Vaya nang sapian niya ang katawan ni Jessica?  No. Vaya strongly believes that there was no such thing as coincidence. Everything was happening because it was meant to happen. At kapag imposible ang isang bagay, the Universe will conspire to make a plan happen.             Tinuyo niya ang luhaang mukha ni Kara. Ah, Kara, kung alam mo lang na nababasa ko ang lahat nang iniisip mo ngayon. Kung alam mo lang na minsan na tayong nagtagpo. Kung alam mo lang na hindi na si Jessica— na isang Tao ang hawak at inaalo mo noon kundi isang alien na. Nang matuyo niya ang pisngi ni Kara ay agad ding nabasa iyon ng mga luha dahil walang tigil ang pagtulo niyon. Para bang sa sandaling ito ay walang karapatang matuyo ang mga pisngi ni Kara. Bakit hindi? Nadiskubre ni Kara na bilang na ang oras nito sa mundo. She was sick… and dying.             “P-pahiram ng… ng taynga mo, h-ha?” nanginginig ang labi na sabi ni Kara. Kapagkuwan ay dinala nito ang isang kamao sa tapat ng dibdib at marahang sumuntok doon. “P-parang… parang puputok na ang dibdib ko sa… s-sa nararamdaman ko ngayon.”             Mariing kinagat ni Jessica/Vaya ang kanyang dila. Hindi niya napigilan ang panunubig ng mga mata niya. It was so heart-breaking. Alam ko, Kara, alam ko. I can feel it, too.             “Magkuwento ka. Makikinig ako,” sabi niya kay Kara bago inabot ang kamao ni Kara na ipinangsusuntok nito sa dibdib para pigilan ito. When she held Kara’s hand, may pumitlag uli sa kalooban ni Jessica/Vaya. That hand… that warm, courageous, and trembling hand. Ganoong-ganoon ang init ng palad nito noon. It was so familiar. Kahit siguro nakapikit siya ay makikilala niya ang init ng palad ni Kara. It was as if it was already imprinted in her heart.  “S-sige, ha. A-aalis na ako. S-salamat sa p-pakikinig mo,” sabi ni Kara pagkatapos magkuwento. Tumayo na ito at dali-daling umalis.             Jessica/Vaya could not let her go just like that. “Magkikita pa tayo, Kara,” siguradong sabi niya.             As she expected, tumigil sa paghakbang paalis si Kara. Lumingon ito sa kanya, nasa luhaang mukha ang pagtataka. Namamaga na ang mga mata at ilong ni Kara sa kaiiyak.  “H-hindi ko naman sinabi sa ‘yo kung sino ako, ‘di ba?”  Ngumiti siya. Pinili niyang sumagot sa pamamagitan ng telepathy. Mhru telepathy. At sigurado si Vaya. Tumayo na ito at dali-daling umalisundi isang alien na. embling little hands.g agkikita uli tayo, Kara, at sa muling pagkikita natin gagawa ka ng isang malaking desisyon.             Nanlaki ang mga mata ni Kara.  Bumuka pa ang bibig nito bago dali-daling umalis.             “Prinsesa Vaya…?” sabi ng boses sa isip niya. Si Vrigo, ang kapatid niya.             “Siya ang batang iyon, Vrigo…” sagot niya. Tiningnan niya ang mga palad. “I can still feel the warmth of her shaking hand. I can still feel her courage. Hindi ko malilimutan ang naghahalong takot at tuwa sa mga mata niya noon.”             “Oo, nakikilala ko rin siya.”             “She will die.”             “I know.”             HINDI ALAM ni Kara kung papaano pa siya nakauwi sa apartment niya. She was now on her bed; tulala habang walang tigil na umaagos ang mga luha mula sa mga mata niya.             “You have cancer, Kara. Cancer of the blood… Leukemia. Yours is called T-cell prolymphocytic. The kind that was rare and very aggressive. Sa panahon ngayon ay mataas na ang survival rate ng mga taong may leukemia. Pero ikinalulungkot ko na ang uri ng sakit mo ay mahirap gamutin. Mahirap dahil madalas ay hindi umiepekto ang mga gamot sa merkado na panglaban sa T-cell. Agresibo ito dahil mabilis itong magparami, mabilis nitong pinahihina ang immune system ng pasyente kaya kahit simpleng pneumonia lang ay pwedeng maging life threatening. I’m very sorry but it’s already advanced. The cancer has invaded your central nervous system that causes the severe headache and pain.”             Natulala lang si Kara. She was expecting the worst, yet when she heard it, she was in denial. Oh, she was afraid, too. She was in horror. She was in shock… but she can’t cry. She felt numb. Maybe because her emotion was bubbling up inside her and was getting ready for one big explosion.             “Kara…?” untag sa kanya ng doctor. Siguro ay dahil tulala lang siya.             “H-how… how bad is it” lakas-loob na tanong niya. “May mga sakit na traydor. Banayad kung umatake, malalaman mo na lang may sakit ka na, Malala na. Ironically, kung kailan ka mada-diagnose ay saka lamang lalabas ang iba pang symptoms.” Huminga nang malalim ang doctor. “I think you need to know that the median survival time of patient with this rare kind of leukemia was 7.5 months after diagnosis.”             Paulit-ulit na umaalingawngaw sa pandinig ni Kara ang mga sinabi ng doktor. It pained her. It crushed her into pieces. Nang makalabas siya sa opisina ng doctor ay saka kumawala ang mga luha niya. Saka nagkumawala ang sakit ng kalooban niya. Humagulhol siya nang iyak habang tumatakbo. Ni hindi niya alam kung saan siya pupunta. Pero dinala siya ng mga paa niya sa rooftop ng hospital. There, she cried and sobbed like a child. Malakas na humagulhol siya habang iniisip ang kinabukasan niya. Kinabukasan na biglang lumabo. Parang sa isang iglap ay naging bula ang mga pangarap na binuo niya, bula na pumutok at biglang naglaho sa kawalan. It was so devastating.             She was sick. She was terminally sick.             Paano na ang bukas niya? Paano na sila ni Santi? Paano niya sasabihin sa papa niya ang balita? Paano siya makakabangon sa pagsubok na iyon? Paano niya malalabanan ang sakit na iyon?             Hanggang sa ang pagdadalamhati niya sa rooftop ay ginambala ng isang tikhim mula sa isang estrangero. A female nurse. “Mas makakaluwag sa dibdib kung ilalabas mo ang ano mang mabigat na alalahaning nariyan sa iyong kalooban. I’m… I’m a stranger. Someone you don’t know. ‘Di ba sabi nila ay mas maganda daw magbukas ng saloobin sa isang estranghero dahil masasabi mo sa kanya ang lahat at wala kang kailangang isaalang-alang?” anito. Nang dumampi ang palad nito sa balikat niya, ewan ni Kara pero may kung anong… paano ba niya ipapaliwanag— energy? Yeah, something like that. Parang may kakaibang energy na nagpasikdo sa puso niya. It was so strange, yet it was very noticeable. So, she held her head up. Sa kabila ng pagdaramdam, napansin ni Kara na parang pamilyar sa kanya ang babae. No, hindi ang babae… kundi ang mga mata nito. It was as if she had already seen those pair of eyes; as if she was once mesmerized by those eyes.             Hanggang sa matagpuan na lang ni Kara ang sarili na nagbubukas ng saloobin sa babae. Hindi niya alam kung dahil ba tama ito at kailangan niya ng makakausap sa sandaling iyon, o dahil palagay ang loob niya rito. Kara could feel a connection between them. “I…I’m d-dying,” nagsisikip ang dibdib na sabi niya at hindi napigilan ang paghagulhol. Pakiramdam ni Kara ay pasan-pasan niya ang bigat ng mundo sa mga balikat niya. At parang hindi niya kakayanin. The weight was too heavy and it was crushing her to the ground.             Nanginginig ang labi na nagkuwento siya.               Her tears were falling nonstop. Parang mga preso ito na nabigyan ng pagkakataong makalaya kaya nag-uunahan sa paglabas sa mata niya. It felt like… like god has decided to knock her off.  Para bang sinasabi na; “Hoy, Kara, masyado kang masaya, masyadong perpekto ang buhay mo kaya ‘eto ang sa ‘yo. Tingnan ko lang kung makakangiti ka pa pagkatapos nito.”             She started hitting her chest. Napakasakit at napakasikip kasi ng dibdib niya. Hindi niya kaya. Hindi siya makahinga nang maayos. The stranger stopped her and held her hand. Saglit na natigilan si Kara. She almost gasped. Pamilyar na pamilyar ang init ng palad nito sa palad niya. Parang kilala niya iyon. Katulad ng kung paanong kilala niya ang init ng palad ng papa niya o ng mama niya. The stranger’s hand had that kind of effect on her. “S-sige, ha. A-aalis na ako. S-salamat sa p-pakikinig mo,” sabi ni Kara pagkatapos magkuwento. Tumayo na siya at dali-daling umalis.             “Magkikita pa tayo, Kara.”             Natigilan siya. Nagtataka.  “H-hindi ko naman sinabi sa ‘yo kung sino ako, ‘di ba?” Sigurado siya, hindi siya nagpakilala sa nurse.  Ngumiti ito. That eyes… that eyes… saan ko ba nakita ang mga matang iyan? Bakit napaka-pamilyar ng babaeng ito? Mhru telepathy. At sigurado si Vaya. Tumayo na ito at dali-daling umalisundi isang alien na. embling little hands.g agkikita uli tayo, Kara, at sa muling pagkikita natin gagawa ka ng isang malaking desisyon. Nanlaki ang mga mata ni Kara.  Bumuka pa ang bibig niya sa pagkabigla. She heard her in her head! Hindi bumuka ang labi nito para magsalita, and yet, narinig niya ito sa isip niya! What was that? Ang nagri-ring na cell phone niya ang pumukaw sa naglalakbay niyang isip. She wiped her tears away. Inabot niya ang cell phone na nasa ibabaw ng night stand. Si Santi ang tumatawag. Nanginig ang labi ni Kara. Tumulo ang mainit na luha. Kinagat niya ang lower lip para pigilin ang paghagulhol pero hindi niya kinaya. So she cried her heart’s out. Malakas na umiyak siya. Walang pakialam kung naghahalo ang luha at sipon. Namamaga na ang ilong at mga mata niya. Nananakit na rin ang labi dahil sa kakakagat. Nahiling niya kanina na sana ay nasa tabi niya ang binata. Inaalalayan siya habang sinasabi ng doctor ang kapalaran niya. Sigurado siyang kay Santi siya makahuhugot ng lakas. Sigurado siyang hindi nito bibitawan ang palad niya. She would make her feel all right. Pagagaanin at palalakasin nito ang loob niya. So, why can’t she talk to him now? Bakit hindi niya magawang tanggapin ang tawag nito? Kasi… paano ba niya sasabihin sa binata ang nalaman niya? Alam niyang problemado ang binata, dadagdag pa ba siya? Oh, God, bakit ako? Bakit ako pa? hindi niya napigilang idaing. What have I done wrong para subukin N’yo ako ng ganito?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD