CHAPTER 6 SA ISA SA mga upuan ng isang umiikot na ferris wheel ay naroon at mag-isang nakaupo si Jessica/Vaya. Her eyes were close. Sa nakapikit niyang mga mata ay nakikita niya si Kara. Ah, mula nang magsalubong ang mga landas nila ni Kara kanina sa rooftop ng hospital ay nakasubaybay na siya rito. Hindi sa pisikal na paraan kundi sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. She can easily see her in her mind. Their first encounter sealed Kara’s fate. Paano kaya kung malaman ni Kara na ang nag-aagaw-buhay na batang inaalo nito noon ay may malaking papel palang gagampanan sa kapalaran nito? Jessica/Vaya was sure Kara would freak out when she learned the truth. She strongly believe that Kara was meant to be there. And, everything was meant to happen. That fateful day, nakabuo siya ng hindi m

