CHAPTER 8 “JESS, AYAW mo talagang sumama?” Pagtawag ni Lucille kay Jessica. Linggo. Pareho silang walang pasok sa hospital. Lucille was dolled up. Pupunta ito sa despedida party ng isang ka-trabaho na naghanap ng greener pasture sa ibang bansa. “Sumama ka na. Sige na.” Nangingiting umiling si Jessica. “Kayo na lang. Dito na lang ako sa bahay.” “Sus! Ayaw mo man lang lagyan ng kahit kaunting kulay ang buhay mo. Napakaganda mo kaya. Bakit hindi mo i-enjoy ang buhay mo? Sayang ang beauty mo. Lagi ka na lang nag-iisa, nagkukulong sa silid mo. Ang mga boys sa hospital, gusto kang lapitan pero nangingimi sa ka-aloof-an mo. No’ng magpaulan ang diyos ng introvertness, sinalo mo lahat, I swear.” “This is me,” kaswal na tugon niya. “Masaya akong

