CHAPTER 9 PAGKATAPOS na pagkatapos ng huling klase ni Santi ay agad na siyang dumeretso sa kinapaparadahan ng kanyang kotse. Lagi na ay kating-kati siyang makauwi. All because of his wife. Binuksan ni Santi ang pinto ng kotse. Inihagis sa loob ang ilang libro at backpack niya bago lumulan sa driver’s seat. Pinaandar niya ang makina ng sasakyan pero bago imaniobra iyon ay kinuha muna ang cell phone at nag-dial. “Knock, Knock,” masiglang sabi niya nang may sumagot sa kabilang linya. Walang iba kundi ang kanyang asawa. Dalawang linggo na silang naninirahan sa Maynila dahil sa pagsisimula ng ikalawang semester. Kung hindi nga lang mapilit si Kara ay hindi sana siya mag-e-enroll. Pero humirit pa rin siya at nakipag-negotiate sa asawa. Hindi siya kumuha ng full load kaya may mga

