CHAPTER 10 “ANO ‘YAN?” tanong ni Jessica/Vaya kay Lucille nang paglabas niya ng silid ay maabutan ang kaibigan na nanonood ng telebisyon. Lumapit siya at naupo rin sa sofa. Sa TV screen naroon ang isang reporter at sa background ay naka-display ang ilang planeta. “Ano ang sabi?” “Ah. Magkakaroon daw ng planetary conjunction sabi ni Kuya Kim,” tugon ni Lucille habang ngumunguya ng kung anong chips. Iniabot nito sa kanya ang lalagyan ng kinakain nito, inaalok siya pero tumanggi siya. “Ah, ang paghahanay ng mga planeta…” komento niya. Binalingan siya ng kaibigan. “Uy, alam ang ibig sabihin. Talino talaga,” tukso nito. Kunwa ay natawa siya. “Kailan daw?” tanong niya kahit alam na niya ang sagot. Iyon ang oras ng pag-uwi niya sa Dehava. Haba

