CHAPTER 11 MALAPIT NA ang oras, Prinsesa Vaya, sabi ng boses sa isipan ni Jessica/Vaya. Handa na ako. Nasasabik na rin akong makita kayo. There’s really no place like home, sagot niya. Katulad ng dati kausap niya ito sa pamamagitan ng telepathy. Vaya was not an ordinary citizen of Dehava. She belongs to the Royal family. At silang mga royalty lamang ang may kakayahang mag-usap sa pamamagitan ng telepathy kahit pa nga ba napakalayo ng dalawang planetang kinaroroonan nila. A normal Dehavian would need a special device to communicate from one point to another. Jessica/Vaya put a shield in her thoughts. Nang masigurong hindi siya mababasa ng kapatid ay saka niya pinakawalan ang saloobin niya. Bumuntong-hininga siya. Ang totoo ay nalulungkot din siya sa nalalapit na

