DEHAVA SI PRINSESA Vaya ay naglalakad-lakad sa kagubatan, naghahanap ng mga halaman na posibleng magamit din bilang panggamot. Tulad ng halamang-gamot ng mga Tao. Kasama niya ang dalawang Pura— maikukumpara iyon sa pinaghalong lobo na may sungay ng isang usa. It was a trained animal. Sinanay para protektahan siya at sundin ano mang utos niya. Bukod sa dalawang Pura ay kasama din niya si Lhama. Sinulyapan niya ang kababata. Mula nang bumalik sila sa Dehava ay ito pa rin ang nagbabantay sa kanya. They were civil. Hindi niya masasabi na bumalik na ang dating samahan nila. Si Lhama ay laging seryoso, madalang kung magsalita. At tulad ng dati, hindi niya mabasa ang iniisip nito. Makisig at guwapo talaga ito, lalo na kapag nakasuot ng military uniform. Naupo siya nang

