“I’M SORRY. Hindi ko sinasadyang mapasok ang room mo. I mean no harm,” ani Santi— her husband. Ang lalaking dahilan kung bakit tinanggap niya ang alok ni Vaya. Ah, hindi nga niya kinaya ang pagbabalik ng alaala kaya nahimatay siya. Sino ba naman ang hindi hihimatayin sa nangyari sa kanya? Imagine, namatay na siya pero p’wede palang gamitin ng kaluluwa niya ang ibang katawan. And Vaya… the alien— really? Alien… soul switching… s**t. Ano ba ito panaginip lang? Produkto lamang ng imahinasyon niya? Pero hindi eh, kahit anong isip ang gawin niya nangyari talaga ang lahat. Ah! Tunay na maraming hiwaga sa mundong ito. Mga hiwagang mahirap paniwalaan hangga’t hindi nakikita mismo o nararanasan. Six years! Six years had passed since her ‘death’. Looking at Santi now… nag-mature ito. Authority was

