“PAPA, PAPA…” Pagtawag ni Kara sa ama sa kanyang isip. She was in San Ildefonso. At dahil linggo at alam niyang magsisimba ito, sa simbahan na lang siya nag-abang. Sinundan niya ang ama. Naupo siya sa may likuran nito. God! Gustong-gusto niyang yakapin ang ama. Parang hindi lang anim na taon ang itinanda nito. He looks sad and lonely. Sumisikip ang dibdib niya dahil doon. Hindi niya mapigilan ang pamumuo ng mga luha. “Nandito po ako, papa, sa likuran mo. ‘Pa… ‘Pa…” pagtawag pa rin niya sa isipan. Muntikan na siyang mapasinghap nang unti-unting lumingon ang ulo ng papa niya. His eyes met hers. Oh, my God. Oh, my God! Sinubukan ni Kara na ingiti ang nanginginig na labi. Her father smiled back. Bahagyang tumango pa ito, as if he was acknowledging her presence. Pag

