SAN ILDEFONSO, rest house NAKARATING AT nakapasok si Kara sa bahay ng walang aberya. Sa kabilang lupain kasi siya dumaan at hindi sa properties ng mga de Angelo. Thank God wala namang naging problema. Ganoon na lang ang pagbuhos ng luha niya nang makita niyang maayos ang rest house. Iyon pa rin ang ayos ng rest house na iniwan niya anim na taon na ang nakararaan. Maging ang mga gamit niya ay naroon pa rin. Walang ginalaw, walang inalis o binago ng posisyon. Her pictures were there. Hindi niya maiwasang maiyak sa tuwing makikita niya ang bawat sulok ng bahay. All the memories were there; buhay na buhay, iniingatan. It’s been a week since her revelation. Sa isang resort siya tumutuloy. At ilang beses na rin niyang nakita ang papa niya sa bayan. Gusto niyang lumapit pero hindi

