A VAST meadow of flowers. Hanggang sa naaabot ng mga mata ni Kara ay puro bulaklak ang nakikita niya. Maaliwalas ang paligid. Humuhuni ang mga ibon. Presko at malamig ang samyo ng hangin. Kara feels so light. Bahagyang inililipad ng hangin ang buhok at laylayan ng bistida niya. Hindi niya alam kung nasaan siya pero hindi nakakabingi ang katahimikan doon. Magaan ang pakiramdam niya at— “Kara!” Biglang may pumintig na kung ano sa kalooban niya. It was her heart. It was beating wildly. Lumingon si Kara sa pinanggalingan ng boses. She gasped when she saw him. Nasa kabilang dulo ito ng field. Mga bulaklak ang tanging naghihiwalay sa kanila. Suddenly, all the memories came crashing back to her. That man, that was the love of her life. That was her destiny. Her soulmate. Napahikbi

