SAKAY NG wheelchair na itinutulak ng isang nurse, pabalik na si Kara sa hospital room niya. Ini-schedule kasi siya ng Doctor para i-MRI, pero hindi naman natuloy. Pagliko sa hallway, nahawakan niya nang mariin ang hospital gown niya nang makita ang papa niya na nakaharap sa pinto ng silid niya. Para bang pinag-iisipan nito kung papasok o hindi sa silid niya. Her heart ached. Hindi iilang beses na nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya. And she knew why. His heart was telling him she was his daughter. As if he could see her beyond her façade. His smile was always caring and gentle. “P-papa…” tawag niya. Agad itong lumingon. Hindi nakaligtas sa kanya ang pamamasa ng mga mata nito. Sinenyasan niya ang nurse na iwan na siya. Lumapit siya. Inabot niya ang palad nito.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


