"Thank you po, Daddy." bakas sa mukha ni Hendrick ang pagkagulat ng bigla siyang halikan ni Hailey sa pisngi habang karga niya ito. Inaayos naman ng bodyguard niya ang mga gamit ko sa compartment. Dalawang bag lang naman 'yon. Hindi naman lahat ng gamit ko ay dinala ko. Pinaiwan na kasi ni Hendrick ang iba. "Aww! This is the very first time you gave Daddy a kiss!" "I'm so happy po kasi pumayag ka na isama si Mommy. "Hindi ka na po bad para sakin, Daddy." "Binobola mo ba ako?" Pinagmamasdan ko lamang na nag-uusap si Hendrick at Hailey. Ang sarap nilang pagmasdan ngayong nagkakasundo sila. Medyo okay na rin si Hailey sa daddy niya. Nang dahil pumayag si Hendrick na isama ako sa bahay niya. "Hindi po kita binobola, Daddy. Hindi naman po ako baketball playler eh!" Natawa naman ako

