Pumunta kaming apat sa isang kilalang store at gulat na gulat si Ada na binilhan ko siya ng munting regalo. Regalo na sobrang kinasaya niya dahil matagal na niyang tinitingnan ito sa laptop niya kapag may freetime siya. "Ate!" kinikilig na sambit ni Ada sa akin habang papasok kami sa tindahan na ito. "Sige na iadvance ko na 'yung graduation gift ko sayo," nakangiting sambit ko sa kanya. "Pumili ka na ng magandang camera mo diyan at ako na ang bahala sa lahat," "Thank you Ate! Magagamit ko 'to sa finals namin!" "Kailan nga ang alis niyo?" "Mga end of this year pa naman Ate," "Sige galingan mo huh? Para naman may stewardess na akong kapatid!" "Oo naman Ate! pangarap ko 'to kaya gagalingan ko," "Sige na pumili ka na diyan para mabayaran na natin," "Sige po Ate." Habang namimili si A

