Pagdating namin sa mall ay pumasok kami agad sa parking area para i-park ang kotse na sinasakyan namin habang naghahanap ako ng pwesto ko sa parking area ay parang napatingin ako sa isang sasakyan sa kabilang lane. "Franco?" tanong ko na lang habang nakatingin sa kanya. Sinubukan ko siyang businahan ngunit hindi niya ito narinig kaya dire-diretso lang siya sa pagmamaneho papalabas ng parking lot. "s**t!" bigla ko na lang nasigaw. Ililihis ko pa sana 'yung kotse palabas ngunit may kotse ng nakasunod sa akin kaya madali ko itong pinark at lumabas ako ng kotse ng mabilis at tumakbo ako palabas ngunit hindi ko na naabutan ang kotse ni Franco. "Malas naman!" inis na sambit ko. Sinundan ako ng mga kapatid ko sa b****a ng parking area at hingal na tinanong ako. "Anong meron Ate?" tanong n

