Kabanata Tatlumpu't Anim

1662 Words

Hindi namin alam ni Adriel kung hanggang kailan mananatili si tatay rito sa Maynila. Ngunit ilang araw na rin ang lumipas simula noong unang paghatid sundo niya sa aming dalawa ng kapatid ko, at hanggang ngayon ay ginagawa niya pa rin iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginagawa niya, ngunit mas lalo akong nakukumbinsi na tama ang pakiramdam ko… Nagbago na siya, nagbago na si tatay! “Susunduin ba kayo ulit ng Tatay ninyo, Jessa?” tanong ni Irish. Naglalakad na kami palabas ng classroom dahil uwian na. Nilingon ko siya at saka ako tumango habang may malaking ngiti na nakaplastar sa aking mga labi. “Oo, iyon ang sabi niya sa amin ni Adriel kahapon.” Kahapon, sinundo rin kami ni tatay rito sa eskuwelahan. Ang kabang nararamdaman ko sa tuwing nakikita at nakasasama siya ay unti-unti nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD