Kabanata Tatlumpu't Pito

1747 Words

“Adriel.” Nagpakawala ako ng malalim na paghinga pagkatapos kong tawagin ang kapatid ko. Narito na kami parehas sa loob ng aming kuwarto. Kanina pa siya nandito, habang ako naman ay kapapasok lang dahil gabi na at kailangan na naming matulog. Tinulungan ko pa kasi si lola na mag-ayos ng kaniyang mga paninda para bukas kaya nauna na si Adriel dito sa loob. Lumingon naman agad si Adriel sa akin. “Bakit, Ate?” Nakahiga na siya sa kama nang pumasok ako rito sa loob ng kuwarto namin. Nakatalikod na siya sa gawi ng pintuan at mukhang matutulog na. Ngunit dahil nagsalita ako, naudlot ang pagtulog niya at nag-iba siya ng puwesto. Ngayon, nakaharap na siya sa akin habang nakahiga pa rin. Sigurado akong matutulog na siya. Hindi ko naman masasabi na gumagamit pa siya ng cellphone dahil wala naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD