Kabanata Tatlumpu't Lima

2074 Words

“Mag-iingat kayong dalawa, ha?” Nilingon ni lola Nita si tatay. “Ingatan mo ang mga apo ko, David. Dapat ay makauwi silang ligtas.” “Ako ang Tatay nila, Nanay Nita. Hindi ko sila pababayaan.” Ngumiti si tatay kay lola at niyaya na kaming umalis sa palengke. Pagdating namin sa palengke ay pinaalam kami agad ni tatay na ipapasyal niya raw kami. Mabilis naman na pumayag si lola noong tinanong niya kami kung gusto raw ba naming ipasyal kami ni tatay at sumagot kami ng oo. Hindi na pinatagal pa ni lola at hinayaan na kami. “Saan po tayo pupunta, Tatay?” tanong ni Adriel. Nakangiti si tatay nang tumingin siya sa kapatid ko. “Saan ni’yo ba gustong pumunta? Hindi kabisado ni Tatay ang mga lugar dito, eh. Ako yata ang dapat na ipasyal ninyo.” Sabay-sabay kaming natawa dahil sa sinabi ni tatay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD