Kabanata Tatlumpu't Apat

1807 Words

Kahit papaano’y nakatulog naman ako nang maayos, kahit nasa isip ko pa rin ang pagdating ni tatay rito sa bahay ni lola. Hindi ko man narinig sa kaniya kahapon kung bakit siya nagpunta rito, ngunit malakas ang kutob ko sa kung ano man ang dahilan niya kung bakit siya narito. Naalala ko pa noong una kaming dumating ni Adriel sa bahay ni lola. Sumakay kami ng barko noon at isang araw ‘ata kaming nasa biyahe. Kaya sigurado akong malayo ang bahay ni lola sa bahay ni tatay. Malaki rin ang pamasaheng ginastos niya, siguradong-sigurado rin ako roon. Kaya ano ang dahilan niya? Bakit siya nagpunta rito, bukod sa ang bawiin kami ni Adriel ulit at isama sa kaniya pag-uwi? “Good morning, Ate!” Ang masayang boses ng kapatid ko ang una kong narinig. Ang mukha niya rin na nakangiti ang una kong nakita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD