Kabanata Tatlumpu't Tatlo

1270 Words

“Arnel!” sigaw ni tita Marivic at pinigilan si tito Arnel. Bumaba ang tingin ko kay Adriel na yakap-yakap ko na ngayon. Kanina kasi ay naroon pa siya sa tabi ni tatay ngunit noong dumating si tito Arnel ay lumapit na siya sa akin. Tinakpan ko ang mga mata ng kapatid ko. Nakita niya na kanina ang ginawa ni tito Arnel ngunit gusto ko pa ring mailayo siya sa mga ganoon. Baka mag-iba ang takbo ng pag-iisip ni Adriel dahil sa nakita niya, hindi na dapat pang madagdagan iyon. Lalo na noong gumanti ng suntok si Tatay. “Gago ka, ah!” Napatalon ako sa gulat at napaatras. Dahil nakayakap si Adriel sa akin, kasama rin siya sa umatras. Tinawag niya ako sa mahinang boses ngunit hindi ko siya nasagot dahil mas inuna kong mailayo kami kina tito Arnel at tatay. “Arnel! David! Tama na ‘yan!” sigaw ni l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD