Kabanata Apatnapu't Dalawa

1565 Words

“Ate, puwede kayang umuwi na ako ulit sa bahay? Kasama naman yata ulit ni Lola si Ate Joriz, eh,” sambit ni Adriel habang papalapit na kami sa palengke. Kumunot ang noo ko. “Hindi ako sigurado kung nasa puwesto nga ni Lola si Joriz. Hindi ko na nakauusap ‘yon, eh.” “Huwag mo na talaga kausapin ‘yon, Ate. Inaaway ka lang naman ni Ate Joriz. Sinabi mo kay Ate Irish kanina.” Lumingon sa akin si Adriel nang nakakunot ang noo. “Huwag ka maniwala sa mga sinabi ni Ate Joriz, Ate Jessa. Ang bait-bait mo kaya!” Napangiti naman ako. Pinalibot ko ang aking kanang braso sa kaniyang mga balikat at tinulak siya nang marahan palapit sa akin. Paulit-ulit ko ring hinaplos ang kaniyang kanang braso. “S’yempre naman, sa’yo lang ako maniniwala dapat, ‘di ba?” Ginulo ko ang buhok niya. Noon, okay lang k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD