Kabanata Apatnapu't Isa

1630 Words

May mga araw na kahit anong pilit ko sa sarili ko na intindihin ang sinasabi ng pinsan kong si Joriz, hindi ko pa rin talaga iyon maintindihan. Hindi sa hindi ko naiintindihan ang pagbigkas niya, malinaw siyang magsalita at malakas pa nga ang boses niya. Ang hindi ko maintindihan ay kung ano iyong ibig sabihin o iyong gusto niyang ipahiwatig sa akin. “Ate, okay ka lang po ba?” Kinalabit ako ni Adriel. Nilingon ko siya at saka ako tumango. “Oo naman! Mukha bang hindi okay si Ate?” “Oo, Ate, eh. Miss mo na ba kaagad si Tatay?” Tumawa ako at tumangong muli. Oo, na-mi-miss ko na si tatay. Ilang araw na rin ang lumipas simula noong umuwi na siya sa Bacolod. May tatlong araw na rin siguro... Nasanay kaming dalawa ni Adriel sa loob ng halos dalawang linggo na mayroong naghahatid at nagsusundo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD