Kabanata Apatnapu

1589 Words

“Ate…” Tumingala si Adriel sa akin. “Hindi ka rin po sasama kay Tatay, hindi ba? Hindi po tayo aalis dito sa bahay ni Lola, ‘di ba?” Napalunok ako at nag-iwas ng tingin kay Adriel pagkatapos marinig ang mga tanong niya. Hindi ko kayang sagutin nang diretso ang mga tanong niyang iyon. Paano ako sasang-ayon sa kaniya, kung hindi ko na maintindihan kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari. Hindi na sigurado ang desisyon ko. “Ate?” tawag ni Adriel nang hindi ako sumagot. Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya. Pinilit kong ngumiti. “Kauusapin ko muna si Tatay tungkol dito, para hindi siya magalit sa atin kung ayaw man nating sumama, ayos ba iyon sa’yo?” Tumango siya at humiwalay mula sa aking pagkayayakap. Nagpaalam na ako sa kaniya na lalabas na muna ako ng aming kuwarto para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD