Kabanata Tatlumpu't Siyam

1614 Words

“Tatay, ayos na po ba kayo rito? Wala na po ba kayong ipag-uutos?” tanong ko kay tatay pagkatapos kong ilapag ang tubigan sa maliit na lamesa sa harapan ng sofa na inuupuan ni tatay. Umiling si tatay at ngumiti. “Wala na, Jessa. Maraming salamat.” “Sige po.” Tumango ako. “Papasok na po muna ako sa eskuwelahan, Tatay.” “Ingat, ‘Nak.” Kumaway ako kay tatay bago binuksan ang pinto ng bahay ni lola. Ako lang mag-isa ang papasok ngayon sa eskuwelahan dahil nauna na ang kapatid kong si Adriel. Maaga siyang umalis para mag-practice ng recital nila para sa program na gaganapin sa susunod na linggo. Napili kasi ang seksyon nila kaya naman puspusan ang kaning adviser na mag-practice. Marami kasing makapanonood ng program, hindi lang ang grade level ni Adriel. Kami rin, mapanonood din namin iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD