Kabanata Animnapu't Isa

1604 Words

Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ngayong gabi si Mrs. Espinosa. Ngayon lang ito nangyari, iyong may kasamang iba si Gani na nagpunta rito sa bahay namin. Palaging ang driver lang niya ang naghahatid sa kaniya. Sobrang bilis tuloy ng kabog ng aking dibdib. May nagawa ba akong mali? Inalala ko tuloy ang mga nangyari noong mga nakaraang buwan na palaging nagpupunta rito si Gani. Nasabihan ko ba siya ng mga salitang hindi maganda, iyong hindi niya nagustuhan? Totoo ba iyong sinabi ni Joriz kaninang tanghali? Kaya ba nandito na rin si Mrs. Espinosa ay dahil huling araw na ng pagpunta ni Gani rito? “Jessa.” Napatalon ako sa gulat nang marinig si lola Nita na nagsalita. Nilingon ko siya at nakitang nasa tabi ko na siya nakatayo, hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa kinatatayu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD