Kabanata Animnapu't Dalawa

1829 Words

Kinabukasan, paggising namin ni Adriel, maaga pa at hindi pa yata sumisikat ang araw ay naririnig na namin ang boses ni tita Marivic sa labas ng kuwarto. Nag-uusap yata sila ni lola Nita. Nagkukusot pa ng mga mata ang kapatid ko nang lingunin ko siya. Nakaupo na kaming dalawa ngayon sa aming kama. “Good morning, Ate,” bati sa akin ng kapatid ko. Nginitian ko naman siya. “Good morning din.” Yinaya ko na siyang lumabas ng kuwarto dahil kailangan na naming mag-almusal at maghanda para sa aming klase ngayong araw. Maganda ang gising ko ngunit nang lumabas na galing sa kuwarto ay nag-iba kaagad ang ihip ng hangin, lalo na noong sa akin napunta ang masamang tingin ni tita Marivic. “Marivic, anak, masyado pang maaga para pag-usapan ang bagay na gusto mong pag-usapan. May mamaya pa naman pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD