Kabanata Animnapu

1771 Words

“Kumusta?” tanong ni lola kinabukasan paglabas ng ko ng kuwarto namin ni Adriel. Ngumiti ako kay lola at tinanguan siya. “Okay na po kami, Lola. Hindi po ako pumayag na matulog kaming dalawa na hindi po kami nag-uusap. Mabuti nga po at kinausap niya po ako. Sabi ko po sa kaniya, iiyak ako kapag hindi niya ako kinausap.” Tumawa si lola sa sinabi ko. Saka ko lang napagtanto na nakatatawa nga talaga ang sinabi ko kagabi. Hindi lang nakatatawa, nakahihiya rin kung iisipin nang mabuti. Pero hindi ko na inisip iyon dahil napapayag ko naman si Adriel na kausapin na ako. “Ipinaliwanag mo ba nang maayos sa kapatid mo ang dahilan kung bakit hindi mo sinabi sa kaniya kaagad?” tanong pa ni lola. Nakatayo ako sa tabi niya sa harap ng rice cooker habang umiinom ng tubig. Tumango ako. “Opo, Lola. Nai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD