Kabanata Limampu't Siyam

1842 Words

“Aalis na po ako, Lola Nita. Baka hindi po ako makapunta bukas kasi sports festival po ng school namin,” paalam ni Gani kay lola. Noon, sa akin lang siya nagpapaalam kapag sinusundo na siya ng driver nila ngunit ngayon ay kay lola na siya nagsasabi. Tulala lang ako habang hinihintay ang kaibigan ko na makaalis na. Inabot na ng dilim si Gani rito sa bahay at mabuti na lang, mayroon silang kotse na magsusundo sa kaniya. Kinakabahan nga ako dahil baka iyong sinasabi ni Gani na hindi naman siya pinagagalitan kapag dumating na siya sa bahay nila, ngayon ay mapagalitan na siya dahil anong oras na siya makauuwi sa kanila. “Ayos lang iyon, Gani,” sagot ni lola nang nakangiti sa kaibigan ko. “Hindi mo naman kailangang magpunta rito palagi. Nakapapagod ang bumiyahe araw-araw.” Tumango naman ako s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD