Kabanata Limampu't Walo

1693 Words

Hindi ko inasahan na maririnig ni Adriel ang usapan namin ni Gani. Ang alam ko ay wala kaming kasama ni Gani sa gutter na inuupuan namin sa labas ng palengke ngunit narinig pala ng kapatid ko ang pinag-uusapan namin. Maraming buwan na rin ang lumipas simula noong dumating ulit si Gani hindi lang sa buhay ko, kung hindi sa buhay rin ng kapatid ko pati na rin kina lola Nita, Joriz, at Aston. Kahit ilang buwan na ang lumipas, ganoon pa rin ang sitwasyon naming dalawa ni Gani. Palagi siyang pumupunta sa palengke para bumisita. Hindi na nga lang ako ang binibisita niya ngayon, si lola Nita na. Hindi kami hirap sa pera ngayon dahil din kay Gani. Si Gani kasi ang lucky charm ng puwesto ni lola. Mas lalo pang dumagsa ang mga bumibili ng prutas dahil sa kaibigan ko. Minsan pa nga ay mismong si Ga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD