Kabanata Limampu't Pito

1650 Words

Natutunan ko na sa buhay, hindi dapat sobrang saya. Hindi rin palaging masaya. Dahil kapag sumobra, sobra-sobra rin ang kapalit noon. Ang lahat ng mga bagay ay may hangganan, ang lahat ng mga bagay ay may kapalit. Hindi puwedeng ibibigay lang iyon sa’yo nang hindi mo binabayaran. “Jessa, rito na ako,” sambit ni Gani at kumaway sa akin bago sumakay sa kotse nila. Sinusundo na siya ulit ng driver nila para makauwi na. “Bye-bye, Gani! Ingat!” Kumaway rin ako sa kaniya. Hindi pa dapat uuwi si Gani ngunit paglabas namin ng grocery store ay naroon na sa tapat ang kotse nila. Kaya naman ngayon ay ako na lang ang mag-isang uuwi sa bahay. Sasabihin ko na lang kay lola na sinundo na si Gani kaya ako na lang ang mag-isa. Dala ko nga rin ang mga pagkain na binili namin sa loob ng grocery, ang kinuh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD