Kabanata Animnapu't Lima

1839 Words

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa kay Gani habang tinitignan siya. Kapag lumilingon siya sa akin ay parang nagpapatulong siya sa kung anong bagay ngunit hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tulungan. Parang wala naman kasing mal isa ginagawa ni Joriz, eh. “Jessa,” bulong ni Gani sa akin nang makalapit siya sa akin. Nawala si Gani sa tabi niya dahil nagpunta ito sa banyo. Ngayong oras lang ulit nakalapit si Gani sa akin. Lumingon naman ako sa kaibigan ko at inalok siya ng kinakain kong popcorn. Ibinigay ito sa amin ng katulong nila ngunit ako na lang ang kumakain ngayon dahil nagsawa na sina Adriel at Aston. Si Joriz naman, mas gusto niyang kausapin si Gani kaysa sa kumain ng popcorn. “Jessa, bakit sunod nang sunod sa akin ang pinsan mo?” Napakamot ng ulo si Gani at ngumiwi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD