Kabanata Animnapu't Apat

1838 Words

Nasa isip ko na na maganda ang bahay nila Gani. Maganda, malaki, magarbo, mukhang yayaminin talaga at maikukumpara sa mga bahay na napanonood sa TV. At ngayong araw, malalaman ko na kung totoo ba ang lahat ng mga naiisip ko sa bahay ng kaibigan ko. “Jessa, Joriz, mag-iingat kayo roon. Bantayan ninyo ang mga kapatid ninyo at huwag hahayaan na magkulit sa ibang bahay. Gumalang kayo sa Daddy at Mommy ni Gani.” Iilan lang ito sa mga habilin ni lola sa amin bago kami umalis. Tumango naman ako at ganoon din ang pinsan kong si Joriz na nasa tabi ko. “Okay po, Lola,” sabay pa naming sambit kaya nagkatinginan kami. Matatawa sana ako ngunit hindi ko nakitang tumawa si Joriz kaya hindi ko na lang din itinuloy ang pagtawa. Inirapan niya kasi ako. Maaga pa ngunit may tumutunog nang busina sa tapat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD