Kabanata Limampu't Lima

1546 Words

Lumipas ang mga araw na palagi na akong pinupuntahan ni Gani. Tumutulong na rin siya sa pagtitinda ni lola kahit hindi ko naman siya sinabihan. Noong una, medyo nainis pa ako kasi hindi niya naman kailangang gawin ‘yon. Hindi ko naman siya inutusan na gawin iyon. “Okay ka lang ba rito, Gani? Hindi ka ba hahanapin sa inyo?” ito ang una kong tanong noong sa kaniya noong unang araw na bumisita siya ulit dito sa puwesto ni lola sa palengke. Kaagad naman siyang umiling bilang sagot sa tanong ko. “Oo naman. Tatawag na lang ako ulit sa driver namin kapag magpapasundo na ako.” “Ah, okay, sige.” Tumango ako. Ganoon din kasi ang ginawa niya kahapon noong sumama siya rito sa palengke. Tinawagan niya iyong driver nila at sinundo siya ng kotse. Sa mga lumipas na araw, palagi namang may paalala si l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD