Kabanata Limampu't Dalawa

1586 Words

Tumakbo ako nang mabilis. Hindi ko alam na kaya ko pala itong gawin ngunit ngayong nagagawa ko na ay parang ayaw ko nang tumigil! “Oh, huwag tumakbo, anak. Baka madisgrasya ka,” paalala ng isang teacher na nakasalubong ko. Gusto ko sanang humingi ng paumanhin, ngunit hindi ko na nagawa iyon dahil sa kamamadali kong tumakbo palayo kay Gani. Hindi ko alam kung sinusundan niya ba ako dahil wala naman akong naririnig na mga mabibilis na yapak ng mga paa sa likuran ko. Babalik ba ako sa loob ng classroom? Paano kung sinusundan niya pala ako? Sa huli, napagdesisyunan kong huwag na munang bumalik sa loob ng classroom at dumiretso sa likod ng building kung nasaan ang classroom namin. Mamaya na lang siguro ako aalis dito 'pag wala na si Gani. Pero, ang tanong ko, aalis ba siya? O hihintayin ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD