Kabanata Limampu't Isa

1581 Words

“K-Kumusta na po pala si Gani?” Hindi ko na naiwasang magtanong. Ayaw ko naman talagang tanungin ang kahit anong tungkol kay Gani ngunit ngayong nagkukuwento si Mrs. Espinosa tungkol sa kaniya, mas gusto kong malaman kung ano na ang nangyayari sa kaniya ngayon. Ilang buwan na rin ang lumipas simula noong hindi ko na siya makita. Malakas nga ang kutob ko na galit siya sa akin... Pero sana ay hindi. Nakangiti si Mrs. Espinosa nang sagutin niya ang tanong ko. “Ayos naman siya, Jessa. Noong mga unang araw na hindi ka na nagpakita sa simbahan, malungkot siya. Hindi niya raw alam kung saan ka niya hahanapin dahil sa simbahan lang daw kayo nagkikita.” Nahirapan akong lumunok dahil sa mga naririnig. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Sasabihin ko ba ang tunay na dahilan? Pero, sa tingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD