Kabanata Limampu't Tatlo

1712 Words

Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Gani. Sasabay siya sa amin pauwi? Sa aming dalawa ni Adriel? Saan ba siya nakatira? Malapit ba siya sa bahay namin para sabihin niyang sasabay siyang umuwi? “Tara na po, Ate!” Hinawakan ni Adriel ang kanang braso ko at hinila iyon nang bahagya. Nilingon ko siya at saka ako tumango. “Sige, tara na.” Wala na akong magagawa kung hindi pumayag sa gusto ng kapatid ko. Siya mismo ang nagdala kay Gani sa akin, paano pa ako tatakbo nito? Wala sa isip ko na magkikita silang dalawa rito sa loob ng school, o kaya naman ay maaalala pa ni Adriel si Gani. Ang naisip ko lang ay ang tungkol sa akin. Kung paano ko siya tatakasan. Pakiramdam ko tuloy ay ang makasarili ko. Pero okay lang naman siguro kung ganoon ang maiisip ko. Minsan lang naman mangyari sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD